Sa pagpapalaki ng anak, ang mga magulang dapat ang pinakamatalino sa pamilya. Alam n’yo ba na matatalino ang ating mga anak? Ang problema kung minsan, mas matatalino pa sila kaysa sa kanilang mga magulang. May pagkakataon na ba sa buhay ninyo, na feeling n’yo, parang naisahan kayo ng inyong anak? Hindi dapat ito mangyari pero nangyayari. ‘Yun bang ayaw mo, pero ginawa mo. Yung tipong hindi n’yo dapat binili pero binili n’yo. Sige, isipin ninyong mabuti – mayroon ba? Malamang, mayroon.
Ang tanong, bakit nangyari ang hindi dapat mangyari? Simple lang ang sagot, naisahan kayo ng inyong anak dahil mas matalino sila kaysa sa inyo.
Starting today, kayo dapat ang pinakamatalino sa pamilya ninyo at hindi ang inyong anak. Madalas naming itinatanong sa aming mga participants sa seminar, “Sino sa inyo ang bago nagkaanak o lumabas ang anak ay binasa ang manual ng anak n’yo?” Sagot ng isang participant, “May manual ba ang anak namin?” Ang sagot namin, “Mayroon.”
‘Di ba yung cellphones may manual? May user’s guide? Mabuti pa ang manual ng cellphone binasa n’yo, or binabasa n’yo paminsan-minsan. Yung manual ng anak ninyo, hindi n’yo binabasa. Alam n’yo bang maraming magulang ang katulad natin na dumaan sa parehong problemang pinagdadaanan natin ngayon? At marami sa kanila, nahirapan din. Ang iba nga ay bumigay na at ang iba naman, nadiskubre na ang solusyon sa kanilang problema.
Ang iba pa nga, gumawa ng libro sa mga natutunan nila sa pagpapalaki ng kanilang anak. Ang mga librong ito o manual ay nasa maraming bookstores ngayon. Ang kailangan lang gawin ay bilhin natin at basahin. Ang iba naman kasi, may libro nga pero hindi naman binabasa. Kapag wala tayong manual sa pagpapalaki ng ating anak, mahihirapan tayong palakihin sila ng maayos.
Ang tanong – Ikaw, nabasa mo na ba ang manual ng anak mo? Kung “Yes” ang sagot mo, very good! Ituloy mo ‘yan. If “No”, kailangan mo nang magsimula before it’s too late. Habang lumalaki ang anak ninyo, pahirap na nang pahirap pasunurin ang mga bata.
Ilan sa magagandang libro ay ang “How To Unlock Your Child’s Potential” at “Raising Godly Kids” by Harold J. Sala. Kung baby pa ang anak ninyo, basahin ang librong “Babywise”. Ito ang librong nagsasabi kung paano mas magiging matalino kaysa kay baby? Alam n’yo ba na ang mga baby ay matatalino? Hindi kami nagbibiro! Ang tatalino ng mga batang ‘yan kahit maliliit pa. Hindi n’yo ba napansin, paglabas ng baby, siya na ang hari sa bahay n’yo? Pag umiyak s’ya, nagkakagulo na ang buong kabahayan. Kasi nga, mas matalino ang bata kaysa sa atin. Pag nabasa ninyo ang Babywise, tatalino kayo. Hindi na kayo magpapadala sa iyak ni baby.
We really need God’s wisdom in raising children of the next generation.
“By wisdom a house is built, and through understanding it is established;
through knowledge its rooms are filled with rare and beautiful treasures.
The wise prevail through great power, and those who have knowledge
muster their strength.” (NIV) – Proverbs 24:3-5
Next week, we will discuss the different strategies used by children to outwit their parents and how to deal, manage and respond to them.
(Excerpted from Vic & Avelynn Garcia’s upcoming book – Unleash the Highest Potential of Your Child, a sequel to the book entitled Unleash Your Highest Potential. )
Avelynn Regalado-Garcia is currently the Executive Vice President of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance. For more than 20 years now, she passionately conducts seminars, workshops, conferences, and conventions for top local and multinational companies, schools, and organizations in the country and abroad.
Read more of Vic and Avelynn’s articles HERE!
Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter @AvelynnGarcia.
Visit www.unleashinternational.com and Unleash International on Faceboook: www.facebook.com/unleashinternational.
Book photo created by wavebreakmedia_micro – www.freepik.com