In our last article, we talked about the “Seven Strategies Children Use to Outwit their Parents”. Now, I will discuss what parents need to do in order to deal with, manage and respond to their children’s strategies.
Balikan natin ang example ng batang naglulupasay sa mall. Ano ang mga dapat gawin ng mga magulang? Tandaan natin na ang ating mga anak ay gumagamit ng iba’t-ibang pamamaraan o strategies para makuha nila ang kanilang gusto. Pinag-aaralan nila ang ating mga kahinaan upang makuha nila ang kanilang mga kagustuhan. Ibig sabihin, bilang matalinong mga magulang na ang tanging hangad ay mapabuti ang ating mga anak, kailangan din nating gumamit ng iba’t ibang paraan o strategies para mapalaki natin sila ng maayos. Below are some of the techniques every parent should know and must learn to use.
Parent’s Strategy No. 1: “I WILL WAIT FOR YOU.”
Habang nag-iiyak ang anak, naglalampaso ng sahig at naglulupasay, lapitan ninyo ang inyong anak. Normally, akala n’ya ay ibibili n’yo na s’ya. Make sure that you get his attention at sabihin, “Anak, anak, sandali lang.” So titingin sa inyo ang bata. Saka n’yo ngayon sabihin sa kanya, “Anak, ‘pag tapos ka nang umiyak, nandito lang kami ni Daddy at Mommy.” Ibig sabihin, hindi ibibigay ni Daddy/Mommy ang gusto ng bata at hihintayin lang nilang matapos o mapagod ang bata. Kung kayo ang bata, ano ang iisipin n’yo? “Ay, ‘di ako ibibili, hihintayin lang akong matapos.” Kung ang anak ninyo ay bad boy level 1, titigil na siya kasi alam n’yang hindi siya ibibili at papagurin lang niya ang kanyang sarili. Ito ang bad news, bihira na ang bad boy level 1. Maraming bata ngayon ay bad boy level 2. Ano ang gagawin ng batang bad boy level no. 2? Lalong iiyak! Naku, lalong magwawala at maglulupasay ‘yun. Ay naku, no problem. Gamitin ninyo ang strategy no.2.
Parent’s Strategy no. 2: “DEAD-MA”
Habang umiiyak ang anak ninyo, habang nagwawala o naglulupasay, kausapin ang asawa n’yo at sabihing, “Honey, ano na nga ang nangyari sa opisina mo kahapon? Ano nga ang ulam natin mamayang gabi?” Mag-usap kayong mag-asawa na parang walang umiiyak. Alam n’yo ba kung bakit umiiyak ang bata? Nagpapapansin lang naman ‘yan. The more na pansinin ang batang umiiyak, lalong lalakas ang kaniyang iyak. Now, ang gawin ninyong mag-asawa ay magkwentuhan habang umiiyak ang bata. Kung kayo ang bata, ano ang iisipin ninyo? “Aba, iyak na ako ng iyak, pagod na pagod na ako, wala pang pumapansin sa akin?” Kung bad boy level 2 ang anak ninyo, mag-iisip na ‘yan at sasabihin sa sarili, “Malabo itong ginagawa ko. Ni walang pumapansin sa akin. Mabuti pa, itigil ko na ito.” Ang problema, bihira na rin ang batang bad boy level 2. Maraming bata ngayon, bad boy level no. 3. Lalong iiyak at lalong maglulupasay. Ay walang problema, gamitin ang strategy no.3.
Parent’s Strategy No. 3: “FRENCH FRIES”
Habang nagwawala ang bata at naglulupasay, lakasan ng kaunti ang boses ninyo at siguraduhing maririnig ng anak n’yo ang inyong sasabihin. Sabihin sa inyong asawa, “Honey, honey, bili ka muna ng French fries!” Para saan ang French fries? Sige, hulaan ninyo kung para saan? O para kanino ang French fries? Para ito sa inyong mag-asawa, kasi matatagalan pang umiyak ang anak ninyo. Maganda, may kinakain kayo.
Kung kayo ang bata, ano ang iisipin n’yo? “Aba, pagod na pagod na ko, pawis na pawis na ko, wala pa akong toy, tapos kumakain pa sila ng French fries? Eh, paborito ko yata ‘yun? At malapit nang maubos.” Make sure na ang bibilhin ninyo ay ang pagkain na paborito ng inyong anak. Mas maganda nga kung may kasamang kapatid ang anak ninyong nagwawala. Sa kaniya ninyo ibigay ang lahat ng French fries. Hulaan ninyo kung ano ang mararamdaman ng inyong anak?
“Do not reward bad behavior”
Malamang, ito ang sasabihin ng anak ninyo, “Ay, patalo talaga ang laban na ‘to. Pagod na pagod na ako, pawis na pawis pa ako, wala pa ako’ng toy, wala pa akong French fries. At ang walang hiya kong kapatid, sa kaniya pa lahat ibinigay?” Isang bagay na kahanga-hanga sa mga bata ay alam nila kung kailan sila walang laban. Alam nila kung kailan pwede at hindi pwede. Kung minsan, daig pa nila ang maraming matatanda. Dahil maraming matatanda, talo na nga, nakikipaglaban pa at pinipilit ang alam nilang mali. By this time, more often than not, titigil na ang batang ‘yan. Assuming, huminto ang anak ninyo sa pag-iyak, ano ang gagawin n’yo? Yayakapin? Hindi pa. Pupunta pa kayo sa strategy no. 4.
Parent’s Strategy No. 4: “NO PRIDE”
This is the best time to teach your child how not to have pride. Nakakita na ba kayo ng mga taong matataas ang pride? Sila na nga may kasalanan, sila pa ang galit at ayaw gumawa ng paraan para maayos ang problema, dahil nga mataas ang pride. Ang tanong, “Bakit may mga taong matataas ang pride?” Simple lang. Malamang noong bata sila, hindi sila natutong magpakumbaba o hindi sila tinuruan ng kanilang mga magulang.
Ang pagkakataon na ito ang isa sa pinakamagandang opportunity para turuan ang inyong anak para maging responsable sa kaniyang mga ginagawa. Huwag n’yo muna silang lalapitan. Pabayaan n’yong sila ang lumapit sa inyo. Ang paglapit sa inyo ay isang palatandaan ng pagpapakumbaba. Ang problema sa maraming bata, bata pa lang ay matataas na ang pride. Hindi nila maharap ang kanilang reponsibilidad at hindi sila makalapit sa inyo sa taas ng pride. May iba pa nga kaming nakitang mga bata, lumalakad ng patagilid sa taas ng pride. Nakakita na ba kayo ng batang lumalakad ng patagilid? That’s pride! Do not allow that to happen to your children. But at least lumapit s’ya. That’s good.
Now, ‘pag lumapit na sa inyo ang inyong anak, ano’ng mangyayari? Kakalabit-kalabitin kayo n’yan, o kaya dudunggul-dunggulin kayo n’yan. ‘Pag ganito na ang nangyari, pansinin n’yo na. Kausapin ninyo at sabihin, “Yes, anak?” Hulaan n’yo kung ano ang gagawin ng anak ninyo? (Kung magulang talaga kayo, dapat alam n’yo ‘to.) So kinausap n’yo na. Ano ngayon ang mangyayari? – “Yes, anak?” Ano ang susunod na kabanata? Iiyak ulit ‘yan, ‘di ba ganun? Iiyak ulit. Ano ang dapat gawin ‘pag umiyak ulit ang bata? Sabihin, “Ay naku anak, hindi ka pa pala tapos. Umiiyak ka pa rin. Mamaya na lang tayo mag-usap ‘pag tapos ka na.” At humarap sa asawa at mag-usap kayo ulit.
Habang tinuturo namin ito sa isang seminar, sumagot ang isang nanay, “Kawawa naman ang bata.” Ang sagot namin, “Anong kawawa? Mas kawawa ang bata ‘pag hindi ninyo siya tinuruan ng tama.” We have another rule at home. Sabi namin sa aming mga anak, “Children, we will not talk to you when you are crying.” Sabi ng anak namin “Why, Dad/Mom?” Sabi namin, “Pag ‘di ka na nga umiiyak, ang hirap mong kausapin. So ‘pag umiiyak ka, mas lalo tayong hindi magkakaintindihan.” So, ‘pag umiiyak ang anak namin, we allow them to settle down muna. Kapag tumigil na sa pag-iyak, ayan, pwede na kaming mag-usap.
Nakakita na kayo ng batang umiiyak at pinipigilan niyang umiyak? ‘Di ba ang cute-cute nila? Ang tinuturo namin sa aming mga anak ay “Self-Control” o pagpipigil sa sarili. Bakit maraming matatanda, hindi mapigilan kapag nagalit? Dahil wala silang self-control. At malamang, hindi sila naturuan noong bata pa sila.
So, maybe after 3 minutes, mapipigilan na n’ya ang kaniyang pag-iyak. Kapag tumigil na ang anak ninyo sa pag-iyak, malamang ito ang sasabihin niya. “Dad, okay na po ako. ‘Di na po ako umiiyak.” (Ayan, pa-cute na ‘yan) “Alis na po tayo.”
Parent’s Strategy No. 5: “I’M SORRY”
Kapag huminto nang umiyak ang anak ninyo, sabihin n’yo sa kanya, “Anak, sandali lang, may sasabihin ka pa, eh.” – “Dad, okay na po. ‘Di na tayo bibili.” – “Hindi anak, may sasabihin ka pa.” – “Ay, oo nga pala Dad. Dad, sorry…”- “Ay naku anak, hindi ganyan ang tono n’yan.” Maraming bata, hindi marunong mag-sorry dahil malamang, hindi naturuan noong bata pa sila. Isa sa pinakaimportanteng matutunan ng ating mga anak ay ang pagsasabi ng “I’m sorry”.
Ang pagsasabi ng “sorry” ay isang palatandaan ng pagtanggap ng pagkakamali at ang batang marunong tumanggap ng pagkakamali ay madaling magbago. Maya-maya, makakapag-sorry na ang anak ninyo sa tamang tono. Pagkatapos mag-sorry, ano ang gagawin? Gamitin ninyo ang strategy no. 6
Parent’s Strategy No. 6: “WHY”
Pagkatapos magsabi ng aming anak ng “I’m sorry”, ang sasabihin namin ay, “Anak, why? Bakit ka nag so-sorry?” Sagot ng anak namin, “Dad, alam n’yo naman po kung bakit ako nag so-sorry, eh.” Sagot namin, “Anak, hindi ako sigurado. Ano ba ang ginawa mong kasalanan?” For our son to really have a sense of remorse, we usually ask him na isa-isahin ang lahat ng kaniyang kasalanan. Alam n’yo bang madali ang magsabi ng “I’m sorry” pero mahirap magsabi ng “I’m sorry” sa bawat kasalanang ginawa natin?
We need to make sure na naintindihan ng anak namin ang lahat ng kaniyang ginawang mali. Kung may nakalimutan siya, ipapaalala namin sa kanya. Kailangan nating gawin ito bilang mga magulang para maliwanag sa ating mga anak ang mga acceptable at unacceptable behaviors.
Maraming bata kasi, ang akala nila sa “I’m Sorry” ay isang magic word. Pag nag-sorry na sila, tapos na ang lahat. Hindi pwede ‘yun! Kailangang malinawan n’yo kung saan sila nag so-sorry para maintindihan kung tama ba ang alam niya na dapat ipag-sorry.
Sabi ng anak namin, “Daddy, sorry po kasi kanina. Nagpapabili ako. Sabi n’yo hindi pwede, tapos nag tantrums ako” – “Yun lang?” – “Meron pa po. Nag-iiyak ako.” – “Yun lang?” – “Meron pa po, naglupasay ako.” Kung kulang pa, huwag kayong titigil. Kung nakalimutan na n’ya, ipaalala ninyo.
Sabi ng isa naming participant, “Para yatang pinahihirapan ninyo ang inyong anak.” Hulaan ninyo ang sagot namin? “Totoo, pinahihirapan namin talaga ang aming anak. We want that day to be memorable para hindi n’ya makalimutan. Kasi, kapag hindi siya nahirapan, malamang uulit-ulitin niya ‘yan.” At napakahirap na may kasamang bata ang walang disiplina sa mall o sa bahay. Hindi kayo mag e-enjoy sa mall, maging sa bahay at sa inyong buhay.
Parent’s Strategy No. 7: “EMBRACE”
Pagkatapos mag-sorry ng anak n’yo sa lahat ng mali niyang ginawa, go to a corner at yakapin ang inyong anak. Ang pagyakap ay isang hudyat na tapos na ang disciplining process at handa na kayong bumalik sa normal na relasyon bilang mag-ama o mag-ina. Napakaimportante ang yakap, dahil ito ang nagbibigay ng confidence sa mga bata na handa n’yo na silang patawarin at mahalin ano man ang kanilang naging kasalanan.
“Hugs are not only nice, they are needed
Hugs can help relieve pain and depression
Hugs overcome fears and ease tension
Hugs reduce heart disease
Hugs minimize stress
Hugs lower blood pressure
Hugging is all-natural; it is organic, no pesticides,
non-fattening, no carbohydrates,
no preservatives, no artificial ingredients,
and best of all 100% wholesome.”
Parent’s Strategy No. 8: “EXPLAIN”
Habang niyayakap ang anak ninyo, kausapin siya at ipaliwanag kung bakit ninyo kailangang gawin ang mga ginawa ninyo. Ilan sa pwede ninyong sabihin ay…“I love you so much that I don’t want you to be the way you are. Mahal kita anak at gusto kong malaman mo na hindi lahat ng magustuhan mo ay dapat mong makuha”. At kung anu-ano pa para patunayan natin ang ating pagmamahal sa kanila.
In our next article, we will talk about the second principle on how to unleash the highest potential of your child.
(Excerpted from Vic & Avelynn Garcia’s book – Unleash the Highest Potential of Your Child, a sequel to the book entitled Unleash Your Highest Potential. )
Avelynn Regalado-Garcia is currently the Executive Vice President of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance. For more than 20 years now, she passionately conducts seminars, workshops, conferences, and conventions for top local and multinational companies, schools, and organizations in the country and abroad.
Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter @AvelynnGarcia. Also, visit www.unleashinternational.com and Unleash International on Facebook, www.facebook.com/unleashinternational.
Read Vic and Avelynn’s parenting and financial stewardship articles HERE!
References:
“Hugs And Heart Health – The Side Effects of This Medicine Are All Good!”. Smart Heart Living. Thorton Holdings Ltd. Web. 06 March 2012. < http://www.smart-heart-living.com/hugs-and-heart.html >
Amy. “Seven Benefits of Hugging”. Seven Of. May 6, 2009. Web. 06 March 2012. < http://www.sevenof.com/?p=1808 >