Kapag nanay ka na…

Jul 13, 2018 | Betinna Carlos, Parenting

By Bettinna Carlos

Every mother is the woman she is because of her children. I am who I am because of my child.

As my daughter turns seven, allow me to share with you a poem I wrote about being a mother when she was just two months old on May 19, 2011.

Kapag Nanay ka na, isusubo mo na lang, itatabi mo pa para sa anak mo.

Kapag Nanay ka na, kung tugisin mo ang lamok, akala mo snatcher.

Kapag Nanay ka na, madalang na lang ang shopping shopping. Grocery na lang iyan. Diaper.

Gatas. Damit. Laruan. Libro. Lahat para sa anak mo.

Kapag Nanay ka na, ipagdarasal mong kaysa ang anak mo, ikaw na lang ang madapa, magalusan, marumihan at lumuha.

Kapag Nanay ka na, kahit nilalagnat, tinatrangkaso o namimilipit sa sakit ng puson, babangon at babangon ka upang ayusin ang baon, uniporme at iba pang pangangailangan ng anak mo.

The author with her darling daughter Gummy.

Kapag Nanay ka, ultimo kuko, pusod at hibla ng buhok ay itatago mo. Pati mga sulat, resibo, kandila, bulaklak at lahat pa ng pwedeng maging souvenier. Di bale nang matambak na parang kalat basta mayroon kang magpapaalaala sa mga mahahalagang araw at kaganapan sa buhay ng anak mo.

Kapag Nanay ka na, nanaisin mong may bidyo at camerang laging nakasunod sa iyo. Para madokumento ang bawat ngiti, tawa, lungkot, iyak, at huni ng iyong anak. Para hindi mamintisang mahuli ang unang tawa, ha­lakhak at “Mama” niya. Nang sa gayon sa iyong pagtanda, kapag limot ka na’t makulit, madali mong masasariwa ang bawat sandali ninyong mag-ina, sapul ng sanggol pa lamang siya.

Kapag Nanay ka, aasamin mong sana hindi na lumaki ang anak mo para hindi na siya mawalay pa sa piling mo; hindi mapariwara at hindi masaktan. Kung pwede lang hindi na siya pakawalan…

Kapag Nanay ka na, nanaisin mong sana’y may remote ang buhay mo. Para ma-Pause ang bawat sandaling yakap-yakap ka ng anak mo; para mas matagal mong manamnam ang mga sanda­ling ganito; ma-Rewind sa mga alaalang nais mong balikan; ma-Stop ang kaniyang pagrerebelde at pagsagot at ma-Fast Forward sa panahong sasabihin niyang “Ma, tama ka. Sana nakinig ako sa iyo.” Dahil ang bawat maling pasiya at talisod ng anak ay kurot sa puso ng ina.

Kapag Nanay ka na, ang dating hindi mawalay sa iyo at mabitawan ang kamay mo ay biglang ayaw nang humalik sa harap ng mga kaibigan niya; mapaglihim na at ibang tao na ang mas gustong makasama. Pero tatanggapin at iintindihin mo ito. Dahil Nanay ka.

Kapag Nanay ka na, mas nanaisin mo na lang mag-alaga sa anak mo habambuhay. Kung pwede lang hindi magtrabaho, kakareerin mo na lang ang pagiging ina. Masubaybayan lamang ang bawat minuto ng paglaki niya.

Kapag Nanay ka na, hindi mo na namamalayan ang mga araw. Before you know it, ang iyong munti ay gumagapang na, lumalakad, tumatakbo, may-crush na, dalaginding na… may boyfriend na. At ikaw naman ay nananakit na ang tuhod at balakang at tinutubuan na ng uban. Pero okay lang, dahil ganito ang pagiging Nanay. Ang lahat ng oras ay ibubuhos sa anak.

Kapag Nanay ka, wala kang hindi gagawin para sa anak mo. Anumang hilingin sa iyo, gagawin mo ang lahat maibigay lang ito. Kahit pa paminsa’y sinasagot-sagot ka. Hinding-hindi mo matitiis ang anak mo.

Kapag Nanay ka na, mas magiging mabait ka sa Nanay mo. Dahil umaasa kang hindi siya magiging tulad mo [na naging sutil at palasagot]sa Nanay mo.

Lahat ng ito mapagtatanto mo lang kapag naging Nanay ka na. Dahil kapag Nanay ka na, mas mamahalin mo ang Nanay mo dahil saka mo lamang mararanasan ang lahat ng hirap na pinagdaanan at kinaya niya para sa iyo. – ABC

The past month, I notice that I stare at my Gummy more often and pensively. Where did the years go? She’s seven now and next thing I know she’ll be 18! Is she happy? Does she feel loved and complete? Have I been a good parent to her? Have I trained her well enough to know what she should at her age? Whenever I look at my child, I see grace. I see God’s grace that He has given to me daily, to make it through every day for the past seven years. Thank you, Father God, for giving me this blessing, this gift. Truly, Psalm 127:3. Thank you, God for Gummy.

Happy Birthday, anak ko.

Bettinna Carlos or Mummy Bite [Bee-té] or Bites is a modern, single, Christian, working mom. Everything she does is for the Lord and her 5 year old gummy bear, Amanda [or Gummy]. She starts her day with prayer and devotionals which she shares on Instagram, with the hopes of bringing more people to Jesus.

HELP JACOB’S FOUNTAIN KEEP THE ARTICLES FLOWING. This website is not sponsored in any way by any organization. If God is leading you to send some help, you can do so via credit card or Paypal using the DONATE button below



Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

God is Really OUR Father

God is Really OUR Father

I'm a father. I've got two boys, one is 20 and the other 13. Due to certain circumstances, I also seem to...



Share This

Share This

Share this post with your friends!