Ang mga Magulang Dapat ang Pinaka-Matigas ang Ulo sa Pamilya.

May 12, 2021 | Parenting, Vic and Avelynn Garcia

Magulang ang pinakamatigas ang ulo

Balikan natin ang example patungkol sa batang nagpapabili sa mall at ginamitan ng magulang ng “7 Strategies of Parents.”  After a few weeks, pagbalik ninyo sa mall, malamang susubok ulit ang anak ninyo at magpapabili na naman. Gagamitin na naman niya ang strategies 1 to 7. Siguraduhin lang na tigasan ang inyong ulo at hindi kayo padadala sa mga strategies ng inyong anak. Dahil kapag bumigay kayo sa kaniyang kagustuhan at binili ninyo ang hindi dapat bilhin, mababalewala ang disiplinang natutunan niya noong huli kayong pumunta ng mall. Kapag nangyari ito, ang paniniwalaan ng anak ninyo ay pwede palang magbago ang isip ni Daddy o Mommy, depende lang sa panahon. Kaya ‘pag may gusto siyang bilhin, susubukan niyang gamitin ang kaniyang mga strategies dahil sa kaniyang experience, may pagkakataong effective siya at may pagkakataong hindi. Kaya nga mas magandang subukan na lang baka maging effective.

Siguro ang tanong ninyo, “Eh bakit ganoon? Ok na siya noong nakaraang linggo.” Pag-isipan ninyong mabuti kung sino ang may kasalanan. Tama kayo. Si Daddy at si Mommy, dahil hindi sila naging “consistent”. Isa sa pinakaimportanteng dapat malaman ng isang magulang ay ang kahalagahan ng “consistency”. Balikan natin ang batang nagpapabili na naman sa mall. Kung tinigasan ni Daddy at Mommy ang kanilang ulo at hindi nila binili ang gusto ng bata, ano kaya ang papasok sa isip ng bata? Malamang lalong didiin sa isip ng bata na matigas talaga ang ulo ng mga magulang niya at hindi pwede ang kaniyang tigas ng ulo.

Sa susunod na punta ninyo sa mall, malamang ito na ang eksena… May makikita na naman ang anak ninyo na kung ano at gustong magpabili. Susubok na naman s’yang magpabili at ang sasabihin ninyo, “Anak wala tayong budget.” Hulaan kung ano ang gagawin ng anak ninyo? Tama na naman kayo! Hindi na n’ya gagawin ang strategy 1-7 dahil natuto na siya sa experience niya noon na matigas talaga ang ulo ng mga magulang n’ya. Ang sasabihin na lang niya, “Ok po.” Ito ang madalas naming ma-experience sa aming mga anak. Dahil alam nilang matigas ang ulo naming mag-asawa, hindi na nila pinipilit ang kanilang gusto dahil alam naman nila na walang mangyayari.

Sabi nga ni Abraham Lincoln, “Be sure to put your feet in the right place and stand firm.” Kung sigurado kayo sa inyong desisyon at tama ang inyong ginagawa, pwede ba, tigasan ninyo ang inyong ulo para sa ikagaganda ng kinabukasan ng inyong anak? Ang tanong – sa pamilya ninyo, sino ba ang may pinakamatigas ang ulo? Magulang o anak?

Next week, we will talk about the third principle on how to unleash the highest potential of your child.

kuntento-anak(Excerpted from Vic & Avelynn Garcia’s book – Unleash the Highest Potential of Your Child, a sequel to the book entitled Unleash Your Highest Potential. )

Avelynn Regalado-Garcia is currently the Executive Vice President of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance. For more than 20 years now, she passionately conducts seminars, workshops, conferences, and conventions for top local and multinational companies, schools, and organizations in the country and abroad.

Read more of Vic and Avelynn’s articles HERE!

Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter @AvelynnGarcia. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational.

People photo created by master1305 – www.freepik.com

Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

God is Really OUR Father

God is Really OUR Father

I'm a father. I've got two boys, one is 20 and the other 13. Due to certain circumstances, I also seem to...



Share This

Share This

Share this post with your friends!