May na-ecnounter ka na bang mga taong na mahilig magsinungaling? Hindi na nga nagsasabi ng totoo, binabaligtad ka pa na ikaw ang nagsisinungaling.
Pwede ka pa nilang tingnan ng mata sa mata at parang walang mga konsensiyang palalabasin na isa kang sinungaling. Sa sobra nilang galing, minsan ikaw mismo ay mag-dududa na kung tama ba talaga ang sinabi mo? Ito ay kanilang panindigan hanggang sa kanilang libingan. Wow, pare, iba na talaga ang arrive mo!
Nakakainis! Nakakagalit! Nakakasira talaga ng araw!
Wala ka talagang kalaban-laban sa mga taong sinungaling.
Kung may madalas kang kasamang mga taong ganyan, huwag mo na silang patulan at pag-aksayahan ng panahon. Dahil mauubos lang ang pasensiya at mapapapagod ka lang sa kakasalag ng kanilang kasinungalingan. Wala na silang inisip kung hindi ang kanilang SARILI. Masaktan na ang iba, huwag lang kanilang sarili.
Kapag nagkaipitan, gagawa at gagawa ng paraan ‘yan para makalusot. Hindi nila iniisip kung ano ang magiging epekto sa mga tao nakakasama ko. Hindi din nila iniisip ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang kasinungalingan.
Mahilig pa nilang PAGTAKPAN ang kanilang pagkakamali sa pamamagitan ng pagsisinungaling, para hindi lang mahalata ang kanilang mga kamalian nang nagawa. Iiwan ka nito sa gitna ng laban at ang goal nila is not to get hurt. Umiiwas ito sa kahit ano mang responsibilidad at problema.
Kaya kung may kakilala kang mga taong sinungaling. Ano ang gagawin mo?
#liar #sinungaling #tellthetruth #chinkeetan
Reposted with the permission of Chinkee Tan. Get to know him more by visiting www.chinkeetan.com.