Paano Ba Magtanim ng Tagumpay

Sep 4, 2015 | Uncategorized

farmer-784319_1280By Chinkee Tan

Alam na alam natin ang kasabihang, “Kapag may itinanim, may aanihin.” Kapag nagtanim ka, sa ayaw at sa gusto mo may aanihin ka. Kapag may isinuksok kang palay sa lupa, pagdating ng tamang panahon, may madudukot kang bigas. It’s a basic principle that should motivate us when it comes to waiting for success.

Pero alam din nating lahat na, “Ang magtanim ay ‘di biro!”. Hindi rin biro ang journey na pagdadaanan natin patungo sa tagumpay. Nandyan ang rejection, failure, heartaches at kung anu-ano pa. Sa sobrang pagmamadaling yumaman, kaya may iilang sumusubok sa get rich quick schemes, yung biglang yaman ba. In the end, nauuwi sa scam, pagkalugi at pagkabigo. (Click here to avoid scams http://bit.ly/1fXaRqh) Walang shortcut sa success. Kailangan magsa-sakripisiyo ka talaga ng bonggang-bongga at mase-stretch ang iyong pasensya.

Ano nga ba ang dapat nating gawin para makamit ang tagumpay?

MAGTANIM AT GALINGAN MO

Siguraduhin mong may ginagawa ka para makamit ang inaasam-asam mong tagumpay. Hindi ang ibang tao ang kikilos at gagawa nito para sa’yo. Galingan mo at ibigay mo ang iyong isang-daang porsyento ng lakas, galing, talento at panahon. Huwag mong iasa sa ibang tao ang tagumpay na minimithi mo. Kung gusto mong marating ang tuktok ng bundok, ikaw ang umakyat at hindi ang ibang tao. Iwasan mo rin gumawa ng dahilan, kung bakit di mo magawa na hindi mo ikauunlad. Sa halip, maging mas masipag!

MAGHINTAY AT LALO MO PANG GALINGAN

When we’ve done our part at alam nating nagawa na natin ang best natin, that’s the only time that we should wait. Wait for the result of your labor and hard work. But waiting doesn’t mean that we will stop trying, working and striving. Yes, kailangan mong maghintay ng ilang panahon bago mo anihin ang mga bunga ng tinanim mo, pero habang naghihintay ka, dinidiligan mo ito, tinatanggalan ng mga peste at ligaw na damo sa paligid, nilalagyan ng pataba ang lupa at kung anu-ano pang effort ng pag-alaga at pag-nurture. Ibig sabihin kahit naghihintay ka, hindi ka humihinto at lalo mo pang pinagbubuti ang trabaho mo.

MAGTANIM AT ANIHIN MO NA!

This is it! After mong magtanim at maghintay, aanihin mo na rin sa wakas ang tagumpay na pinagpaguran mo! Maintain it at huwag maging kampante. Kaya kung napansin mo, tuloy-tuloy dapat ang pagtatanim. Habang naghihintay, habang umaani, huwag hihinto sa PAGTATANIM, sa pagiging MASIPAG, at sa pagiging MAGALING. Asahan mo, tuloy-tuloy ang tagumpay mo!

Ang tagumpay ay parang pagtatanim. Hindi ito overnight at lalong hindi instant. Ika nga eh, dugo’t pawis bago mo ito makamit. Bakit? Because it will cost you a lot of effort, energy, time, resources and more. Sometimes it will require you to sacrifice. Dumarating ang tagumpay sa tamang panahon. Dumarating ito kapag handa ka na. But I’m telling you… IT’S ALL GOING TO BE WORTH IT.

Kaya huwag kang susuko, huwag kang bibigay, huwag kang aatras, huwag kang panghinaan ng loob, at huwag kang mawawalan ng gana. Sa halip, bumangon ka, lalo mong sipagan, lalo mong galingan, tuloy-tuloy lang at huwag na huwag kang hihinto. Di mo namamalayan, nakatungtong ka na sa rurok ng minimithi mong tagumpay.

THINK. REFLECT. APPLY

Malapit mo na ba makamit ang iyong tagumpay? Ano na ang nagawa mo para maabot ang mga pangarap mo? Ano ang humahadlang sa’yo para hindi maabot ang tagumpay na inaasam mo?

Kung gusto mo malaman ang 12 KATANGIAN NG ISANG TUNAY NA MASIPAG, basahin mo ito http://bit.ly/1fXaAU0

Reposted with permission from the author.

Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

This Too Shall Pass

This Too Shall Pass

"This too shall pass" is a powerful reminder of life’s ebb and flow. When things are tough, remember that no...

A Testament to God’s Plans

A Testament to God’s Plans

Scotland of the 1840’s was as barren as the nursery rhyme cupboard of Old Mother Hubbard. The decade was...



Share This

Share This

Share this post with your friends!