By Chinkee Tan
Hindi lang natanggap sa trabaho, loser agad? Nakita lang nagbubulungan ang kapitbahay, pinag-tsitsimisan agad? Nalugi lang ng isang araw, bagsak na agad negosyo? Hindi lang nakapagtapos ng pag-aaral, wala na agad kinabukasan? Na broken-hearted lang, papakamatay agad?
Tila automatic na sa atin ang magisip at mag-react negatively. Walang ka-effort-effort ang pagi-isip natin ng negative. Kapag may mga pangyayari sa buhay natin, ang nakikita agad natin ay yung negative. Naka-focus agad tayo dun sa hirap, sa sakit, sa pangit, sa kulang, sa mali, at kung ano-ano pang nega. We always fail to see and look at the brighter side; that in everything that happens in our lives, there’s a purpose, there’s a reason, whether it’s good or bad.
Bakit ang dali natin mag-isip ng negative kaysa sa positive? Ano nga ba ang maaari nating gawin para hindi tayo agad-agad nag-iisip ng negative?
Simple lang. Ito ang ilan sa mga pwede nating gawin:
FEED YOUR MIND WITH POSITIVE THOUGHTS
Para masanay ang isip mo sa pag-iisip ng positive things, make sure na nasasala mo ang lahat ng pumapasok at tumatambay sa isip mo. Feed your mind with the good things.
Kung halimbawang may problema na kayong mag-asawa sa inyong relasyon dahil unfaithful ang asawa mo, then huwag ka na manood ng mga teleserye na tungkol sa mga third party o mistresses. Lalo lang mati-trigger ang isip at emotions mo na mag-isip ng negative at makaramdam din ng negative feelings like self-pity, bitterness, hatred and revenge.
Kung magagalitin ka at mainitin ang ulo, iwasan mo ng manood ng mga heavy action movies, puro kalyeserye na lang ang panoorin mo. Kidding aside, I know you’re getting my point. Piliin mo ang mga babasahin, papanoorin, pupuntahan, papakinggan at papaniwalaan mo.
SURROUND YOURSELF WITH POSITIVE PEOPLE
Kapag ang lagi mong kasama ay madrama, mareklamo, palamura, tsismosa’t tsismoso, mapanira, magagalitin, sinungaling at kung ano-ano pa, siguradong mahahawa ka. Kahit ikaw pa yung taong maganda ang disposisyon sa buhay, masayahin at very positive, pero kung napapaligiran ka ng mga taong nega araw-araw, hindi malabong maging katulad ka rin nila. Maging matalino sa pagpili ng mga taong mag-iimpluwensya sa iyo.
GUARD YOUR HEART
Sabi nga sa Bible, “Guard your heart for it is the wellspring of life.” Sa puso lahat nagmumula at nag-uugat ang mga bagay bagay. Ano ba ang laman ng puso natin? Minsan yung mga taong negative na mag-isip ay may mga unresolved issues sa heart nila. Maybe they’ve been hurt before. Pwedeng na-agrabyado sila, naisahan, na-maltrato at kung ano-ano pang hindi magandang karanasan sa kanilang nakaraan. But the past is past. Wala na tayong magagawa dahil tapos na ito. But what we can do is to focus on the present and plan for our future. Ang mahalaga ay yung ‘ngayon.’ Kaya we should check our hearts and guard it from any negative feelings. A clean, positive and joyful heart produces clean, positive and happy thoughts.
THINK. REFLECT. APPLY
Negative thinker ka ba? Anung klase mga tao ang nakapaligid sayo? Ano ang kondisyon ng puso mo?
http://chinkeetan.com/?p=3391