May Tiwala Ka Ba Sa Sarili Mo?

Jan 19, 2016 | Uncategorized

By Chinkee Tan

Nawawalan ka na ba ng tiwala sa sarili mo? Tuloy tuloy ba ang mga pagkakamali mo sa buhay? Feeling mo ba hindi ka na makakabawi?

I have good news for you! Kung feeling mo hindi mo kaya, feeling mo lang yun. Ang feelings ay mapanlinlang at pwede siyang magbago.

Gusto mo ba malaman ang katotohanan? Ang katotohanan ang pwedeng magpalaya sa atin at hindi ito magbabago magpakailanman.

Ang hindi mo lang alam ay, KAYA MO TALAGA!

It’s all in the mind. As I always say, our mind is the battleground. Kung sinabi mo sa sarili mo na di mo kaya, tiyak ako na hindi mo talaga kakayanin. Pero kung ang sinabi mo naman sa sarili mo na kakayanin mo at gagawan mo siya ng paraan. Ito ay pwedeng maging katuparan.

Dapat sa ating pag-iisip palang, nanalo tayo. Dahil kung hindi, talunan na talaga tayo. We should have a ‘Winning Mindset’.

Dalawang importanteng bagay lang ang nais kong ibahagi sa inyo.

TIWALA SA SARILI

Hindi porke’t sumablay ka at pumalpak, hindi ka na magaling, talo ka na at wala ka ng pag-asa. Don’t be too hard on yourself. Patawarin mo ang sarili mo. Motivate and push yourself! Lahat tayo binigyan ng Dios ng kanya-kanyang talento at kakayahan. Huwag nating i-asa sa ibang tao ang tagumpay o kaginhawaan na inaasam natin. Kung magkamali man tayo, it’s okay. Let’s learn from our mistakes, then move on. Failure should inspire us to do better. Kung hindi ka magtitiwala at maniniwala sa sarili mo, paano pa magtitiwala at maniniwala ang ibang tao sa’yo? Ikaw dapat ang unang maniwala na kaya mo. Walang silbi kahit lahat ng tao sa mundo naniniwalang kaya mo pero ikaw hindi.

Magtiwala-Sa-Diyos-At-Maniwala-Ka-Na-Binigyan-Ka-Ng-Kakayanan-Para-Magwagi-Sa-Buhay-WEBTIWALA SA DIYOS 

Ito ang pinaka-importante sa lahat. Sa Diyos ka higit na magtiwala dahil mas magaling Siya kaysa sa iyo. Actually wala Siyang kasing-galing, wala Siyang katulad at wala Siyang kapantay. Hindi pumapalpak, sumasablay o nagkakamali si God. Ipagkatiwala mo sa Kanya lahat dahil makapangyarihan Siya. Ang imposible sa tao, posible sa Kanya. Wala Siyang hindi kayang gawin. Limited ang kakayanan, katalinuhan at lakas natin pero sa Diyos ay unlimited. Kaya kung sa Kanya ka magtitiwala ng buong puso at buong buhay mo, hindi ka mapapahiya. Hindi ka Niya ipapahiya. Bibiguin tayo ng tao, pero Siya hindi.

“Trust in the LORD with all your heart And do not lean on your own understanding. In all your ways acknowledge Him, And He will make your paths straight.” —Proverbs 3:5-6

THINK. REFLECT. APPLY 

Anong pinag-dadaanan mo ngayon na feeling mo di mo kaya?Anong humahadlang sayo para di ka magtiwala sa sarili mo?Handa ka na bang ipagkatiwala lahat sa Dios?

This article was reposted with permission from Chinkee Tan. Visit his website at www.chinkeetan.com


Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

Find Forgiveness In Failure

Find Forgiveness In Failure

Julia Lake Lellersberger served with her husband in Africa among the lepers for more than 40 years. Well...



Share This

Share This

Share this post with your friends!