Kamag-anak Ka Pa Naman!

Jun 16, 2015 | Uncategorized

By Chinkee Tan

Copyright Chinkee Tan

Copyright Chinkee Tan

Na-experience mo na bang masabihan ng iyong mga kapatid o kamag-anak na, “Kamag-anak ka pa naman!” Wow!!! Ito siguro ang isa sa pinakamasakit at pinakamahapding mga salita na maririnig mo sa iyong tanang buhay.

Minsan napapa-isip tayo tuloy ng, “Napakasama ko na bang tao, na wala na akong paki at manhid na ba ako sa pangangailangan ng iba.”

Ang sarap-sarap ng ng buhay mo, hindi tulad nila.

Pero bago mo pa tanggapin at yakapin yung kanilang mga sinasabi. Mag-isip-isip ka muna! Ikaw ba ay dati nang nakatulong? Ikaw ba ay dati nang nalapitan? Sila ba ay marunong magpasalamat at tumanaw ng utang na loob o sila pa ang mga taong na feeling na nagbabayad ka lang naman din ng utang na loob sa kanila? Sila ba ay nangako na ibabalik man sa iyo ang kanilang hiniram ngunit napako lang ang pangako?

BAKIT HUWAG MAGPADALA SA MALING KONSENSIYA?

1. NAKAKASIRA NG PAGSASAMAHAN

Nawawala na ang respeto at pagma-mahalan sa bawat isa. Umiiwas na kayo sa isa’t-isa, dahil yung isa ay hindi pa nakaka-bayad at ikaw naman ayaw mo ng mautangan o mahingan.

2. NAGI-GUILTY KA

Ok lang naman ma-guilty kung may mali kang nagawa. Pero hindi naman ‘ata tama na ma-guilty ka dahil wala kang kakayanan na makatulong o alam mong lalo itong mapapasama kung ikaw ay tutulong.

3. NAIISIP MO NA NAPAKASAMA MONG TAO

Masama ba akong tao kung:

  • Ikaw ay nakakain ng tatlong beses isang araw, sila naman ay walang makain.
  • Ikaw ay nakakapag-biyahe at nakaka-bakasyon, sila naman ay walang pang-tuition fee.
  • Ikaw ay nakakabili ng magagandang damit, sila naman ay walang masuot ng maayos.

HUWAG MONG TANGGAPIN…

Huwag mong tanggapin yung mga sinasabi sa iyo na:

  • YUMABANG ka na porke’t nakaka-angat ka lang sa kanila. Bakit? HIndi mo naman pinulot ang iyong tagumpay, pinaghirapan at pinagtrabuhan mo ito. Dugo, oras, pawis ang iyong binuwis para maabot mo ang iyong natatamasa.
  • SWAPANG ka dahil hindi ka nag-sha-share ng iyong biyaya. Bakit? Hindi ka ba tumulong sa kanila dati at ito ay nauwi na lang sa limot dahil hindi ka nabayaran. At kung sisingilin mo sila, ikaw pa ang masama.
  • MAKASARILI KA, wala ka ng iniisip kung hindi ang iyong sarili. Bakit? Hindi pa ba sapat ang iyong pagtulong na hindi ka nagbibilang kung ano ang iyong nabigay. Masama ba na mag-ipon at isipin naman ang sariling pamilya at anf inyong kinabukasan.

Wala naman masamang tumulong, basta yung tinutulungan mo ay marunong:

  • MAGPAKUMBABA at MAGPASALAMAT. Walang katapusan na pasasalamat at marunong tumanaw ng utang na loob.
  • MAGBAYAD NG KANYANG HINIRAM. May isang salita at marunong tumupad sa usapan.
  • TULUNGAN ANG KANILANG SARILI. Nakikita mong na may effort na magbago at iangat ang kanilang sarili sa kinalalagyan.

THINK. REFLECT. APPLY.

Madalas ka bang nagpapadala sa MALING KONSENSIYA? Huwag tayong mapagod na tumulong sa mga taong NAGKUKUSA. Pero huwag rin tayong magpa-alipin sa mga taong NANG-GA-GAMIT at NANGO-NGONSENSIYA.

‪#‎helpingothers‬ ‪#‎kamaganakkapanaman‬ ‪#‎chinkeetan‬

Reposted with the permission of Chinkee Tan. Get to know him more by visiting www.chinkeetan.com.

Born and raised in Tondo, Manila, I have Chinese parents and the eldest among my siblings. As a kid, I have witnessed my father’s great loss in business so at a very young age of 12, I was exposed and trained to do business. I even invested summer breaks of my 4 years in high school in my own video rental shop. Visit his website at www.chinkeetan.com

 

Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

This Too Shall Pass

This Too Shall Pass

"This too shall pass" is a powerful reminder of life’s ebb and flow. When things are tough, remember that no...

A Testament to God’s Plans

A Testament to God’s Plans

Scotland of the 1840’s was as barren as the nursery rhyme cupboard of Old Mother Hubbard. The decade was...



Share This

Share This

Share this post with your friends!