Huwag Kang Makialam

Mar 1, 2016 | Uncategorized

By Chinkee Tan

“Uy wait, pasali naman ako sa usapan niyo! Sino yung pinaguusapan ninyo?

Ah talaga? Si _______ lubog na sa utang?! Ay sorry, nadinig ko kasi kayo eh.

Kwento mo na sakin please, promise di ko pagkakalat.”

Ang tawag diyan ay: PAKIALAMERA/PAKIALAMERO!

Ito’y isang klase ng paguugali na masasabi nating kamag anak ng pagiging tsismosa— hindi man ito maganda pero madaming gumagawa.

ANO ANG MGA MASASAMANG NAIDUDULOT NG MGA TAONG MAHILIG MAKIALAM?

IIWASAN KA NG IBANG TAO
Iiwasan ka kasi pinagpipilitan mo ang sarili mo sa mga bagay that doesn’t concerns you. It’s a private thing for them pero heto ka’t parang desperado na ilagay ang sarili mo sa gitna. Kapag ìpinag-patuloy mo ito, mag-iingat na sila kapag nandyan ka sa paligid hanggang sa tuluyan ka na nilang iwasan.

IT WILL PUT OTHERS IN AN AWKWARD POSITION
Kapag may mga taong naguusap at bigla kang umentra, mapipilitan silang tanggapin ang opinyon mo at patuloy na mag-usap just to show respect sayo kasi baka kung anong isipin mo.

Yun nga lang since naipit na sila ng presence mo, nilalagay mo sila sa alanganin and they will be left with no choice but to tell you kahit ayaw naman nila o bawal.

Halimbawa:
Friend 1: “Ano yung sasabihin mo?”

Friend 2: “Buntis ako.

Ikaw: “Ha? Sino nabuntis? Sorry lakas kasi ng pandinig ko.”

Friend 1: “Ah eh…wala wala.

Friend 2: “Sige na nga sasabihin ko na.”

YOU’LL BE CONSIDERED AS DISRESPECTFUL
Being a friend or a relative doesn’t give you the right na makisawsaw sa buhay ng iba without their knowledge or permission. Doing so is being disrespectful of their personal space, privacy, and desire to keep things to themselves.

Kung sayo man gawin yan, you will also feel that your space has been violated, na para bang trespassing.

MAPAPAHIYA KA LANG
Sabihin na nating bigla ka na lang “umepal” sa usapan ng iba, eh paano kung wala sa mood yung tao or wrong timing ang pagpasok mo, alam mo mangyayari sayo? Ikaw mismo ang ipapahiya nila dahil hindi naman talaga maganda ang panghihimasok sa buhay ng may buhay.

Pwede ka sabihan ng:

  • “Alam mo ang epal mo”
  • “Umalis ka nga, di ka naman kausap”
  • “Kasali ka ba dito?”

So ang ending, ikaw din ang masasaktan

THINK. REFLECT. APPLY
Nakialam ka na ba sa buhay ng iba? O may nakialam na ba sa buhay mo ng hindi mo inaasahan? Ano ang naging ending nito?

REPOSTED WITH PERMISSION FROM CHINKEE TAN. Visit his website at www.chinkeetan.com


Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

This Too Shall Pass

This Too Shall Pass

"This too shall pass" is a powerful reminder of life’s ebb and flow. When things are tough, remember that no...

A Testament to God’s Plans

A Testament to God’s Plans

Scotland of the 1840’s was as barren as the nursery rhyme cupboard of Old Mother Hubbard. The decade was...



Share This

Share This

Share this post with your friends!