Huwag Kang Aayaw!

Jun 5, 2015 | Uncategorized

By Chinkee Tan

Bakit pa ako mangangarap? Eh, wala namang mangyayari. Ito na ang aking tadhana, tanggapin ko na lang ito, para di na ako mabigo.

Isinuko na ang bandera kahit hindi pa tapos ang laban.

Napakahirap talaga bumangon kung ikaw ay nanggaling sa pagkabigo. Napakasariwa pa ng sugat upang ikaw ay magsimula muli. Ok lang naman na magpahinga ng pangsamantala. Huwag ka lang mamahinga ng pang habang buhay.

No matter what happened to you in the past, huwag kang aayaw at bibigay. Totoo ang kasabihan, “Habang may buhay, may pag-asa.

Mawala na ang lahat, huwag lang ang pag-asa. Dahil ito na lang pwede mag dugtong ng iyong hininga. Ito ang magbibigay sa iyo ng kapangyarihan para makagumpisa muli. Ito ang tanging apoy na magsisindi muli ng iyong never give up on your dreams tshirtnauupos na kandila.

Kahit umaayaw na ang mga kasama mo. Huwag kang sasama! Maari na maraming tao ang umayaw, pero huwag mo ayawan ang iyong sarili.

Refuse to be part of the losers team. Never accept failure as your destination. Huwag kang pumayag na maging zombie! Come on, fight kapatid!

Huwag kang aayaw, walang bibitiw!

Just keep on moving, push ka lang ng push.

Even if you are moving slowly as long as you are moving ahead, you are still ok. As John Maxwell quote says, “Do not be afraid of moving slow but be afraid of standing still.”

Maniwala ka! Darating ang araw, ikaw naman ang aakyat ng entablado; ikaw naman ang mapropromote; ikaw naman ang magwawagi; ikaw naman ang pangangaralan; ikaw naman ang yayaman!

THINK. REFLECT. APPLY.

Naniniwala ka pa ba sa iyong pangarap? Ikaw ba ay umayaw na o lumalaban pa? Never give up! No matter what happens in life.

WATCH OUT FOR THE RELEASE OF CHINK POSITEES THIS COMING JUNE 20.

Please email us at [email protected] if you are interested.

EDITOR’S NOTE: Reposted with permission from Chinkee Tan

Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

What We Tolerate, Perpetuate

What We Tolerate, Perpetuate

The recent portrayal of the Last Supper with drag queens at the Paris Olympics highlights a broader cultural...



Share This

Share This

Share this post with your friends!