How to Save on Utilities Part 4

Apr 26, 2015 | Uncategorized

Article 16_How to save on utilitiesThis is the last part of the series on how to save on utilities.

Tip no. 5 – Get only the appliances or equipment that you need and use them wisely.

Let’s talk about TV.

Kailangan n’yo ba talaga ng TV?  “Oo naman! Aanhin naman namin  ang cable kung wala naman kaming TV!” Ang talino…. nagpakabit ng cable, wala pa palang TV.  “At ayaw ko ng 14”. Gusto ko 21” o kaya ‘yung bago ngayon na di sabit, FLAT TV at PLASMA TV. Wide screen LCD. May bago pa, LED at HDTV.” Kumuha lamang ng TV na kailangan at hindi dahil ito ang TV ng iba. Kung may lumang TV na at maayos pa naman, hindi na kailangan pang bumili ng bago.

Computer.

Kailangan n’yo ba ng computer sa bahay?  “Oo, naman, para sa pag-aaral ng anak ko.”  Tumaas ba naman ang grades ng anak ninyo noong magkaroon kayo ng computer? “Iyon nga eh, mukhang hindi! Halos hindi ko na mautusan. Madalas, nakababad sa computer.”  Alam n’yo ba kung saan-saan nakakarating ang anak ninyo using internet? Alam n’yo ba kung ano ang nilalaro ng anak ninyo sa computer?

Ang suggestion namin, kung kailangan talaga ng computer, huwag maglagay ng compuer sa loob ng kwarto ng anak ninyo. Put the computer in a public area sa bahay kung saan marami ang nakakakita. So saan magandang ilagay ang computer? Sa munisipyo (joke lang)… sa sala kung saan madalas may tao. Ang screen ay dapat nakaharap sa dumadaan para nakikita kung ano ang ginagawa sa computer. Please, install an internet filtering software. Para saan ito? To protect your kids from pornography and other dangerous online sites. May mga libre at downloadable filtering softwares na pwedeng gamitin. Ang disadvantage lang nito ay kapag mayroong “we-blocker” ang computer ninyo, kayo mismo ay hindi makakapunta sa favorite sites ninyo. Pero ‘wag mag-alala dahil pwede naman itong  ma-disable. Maaari ring mag-install ng mga passwords.

Aircon. May aircon ba kayo sa bahay? Sana lang alam ninyo kung paano ito gamitin nang tama para makatipid sa konsumo ng kuryente. Subukan natin… Alin sa mga knobs ng aircon ang makakatulong para makatipid sa kuryente? “Thermostat!”… “Timer!”… Pwede, pero mayroon pang iba. Ito ay ang “ON and OFF” button, kasi kapag naka-OFF yan, wala kang konsumo.  Ang problema, kapag naka-ON na iyong thermostat, hindi na natin alam kung paano gamitin. May dalawang bahagi kasi ang aircon – ang compressor at ang fan.  Ang compressor ang gumagawa ng lamig tulad ng inyong freezer. Ang fan naman ang nagbabato ng lamig. Ang compressor ang malakas komunsumo ng kuryente at ang fan ay para lang malaking electric fan.  Kaya kapag nakatodo o nasa maximum ang thermostat ninyo, tuloy-tuloy lang ang buga ng lamig ng compressor ninyo at ang lamig-lamig na sa kuwarto ninyo. Kaya kinabukasan, pupunta kayong mag-asawa sa department store para bumili ng… comforter (para hindi kayo lamigin).  Another gastos na naman. Ang mahal ng comforter. Hindi lang ‘yan, ang hirap maglaba ng comforter.  Paano ito linalabhan? Pag nagpa-laundry ka, mas mahal.

Pero kung pipihitin lang at ilalagay sa mas mababang setting ang thermostat control ninyo, mas makakatipid kayo sa konsumo ng kuryente. May setting ang thermostat control kung saan kapag naabot na nito ang setting na gusto ninyo ay kusa na itong mamamatay at fan na lang ang aandar. Kapag na-sense naman ng thermostat na medyo mainit na ang kuwarto, aandar ulit ito. (Ito yung maririnig mong sudden click kapag nag auto-on ang compressor.) Kapag ginawa n’yo ito, makakatipid kayo ng ilang oras sa konsumo ng kuryente.  Kaya dapat ay i-set ng tama ang thermostat. Ang aming suggested setting ay nasa 9 o’oclock kung ikukumpara sa orasan. Malamig pa rin naman ‘yan pero ang kumot na kailangan ay manipis na lang. Pwede na.
Kasusweldo-pa-lang-ubos-na_Front-Cover-only-with-Bestseller_forweb1(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kasusweldo pa lang ubos na?” available in National Bookstore, Powerbooks, Bestsellers, Fullybooked, OMF, PCBS, Praise and other leading bookstores nationwide. Also available in Unleash International Bookstore. For details, please contact 0922-UNLEASH(8653274) or 6640892, 6320148 local 8002-8003.)

Vic Garcia is currently the President and CEO of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance through licensed and originally authored, world-class, high-impact training programs.

Vic has been in the business for more than 20 years and has gained the trust and confidence of countless organizations. He is also the author of the Unleash Workbook and Unleash Learning Systems. His area of competence varies from work and life improvement, financial management, leadership, system, productivity, teambuilding, and other specialized seminars that will unleash the highest potential in people. He served as a consultant and a management coach to a number of CEOs and leaders of different companies. He is often invited to different television and radio programs to share his expertise in unleashing the highest potential in people.
Learn and apply practical ways of effective financial management through easy and doable techniques when you follow this series weekly. Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter, @AvelynnGarcia. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on

Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational.

Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…



Share This

Share This

Share this post with your friends!