In my previous article, we talked about three tips on how to save on utilities. Now, let’s continue our discussion with tip no. 4 – Get only the services that you need and use them wisely. Paano ito?
Let’s take for instance, Cable TV.
Kailangan n’yo ba ng cable? “Oo naman! Nakakasawa na kasi ang mga palabas sa TV. Kapag may cable, marami kang choices. May palabas para kay tatay, kay nanay, kay baby at mayroon din para kay yaya…” Maraming magagandang idinudulot ang cable, pero marami rin namang masama kung wala kayong self-control. Kaya, mag-ingat. Heto ang mga concerns namin patungkol sa cable:
a. Mahal ang cable. Magkano ang binabayaran ninyo sa cable buwan-buwan? It ranges from P300-P1,500 depende sa dami ng channels. Yung iba, HD pa. Ang ibinabayad ninyo sa cable, sana ay pambili na ng bigas o panghulog na lang ng isang medical insurance.
b. Ang cable ay dagdag sa kuryente. Naalala pa ba ninyo noong wala pa kayong cable sa bahay? Ilang oras lang bukas ang TV ninyo? Pero ngayong may cable na kayo, bukas 24-oras. Pag-alis ninyo ng bahay, akala n’yo ba pahinga na ang TV? Hindi pa, kasi manonood pa si Yaya, o kaya naman ay ang anak ninyong kagigising lang. Kasi nga maraming choices eh.
c. Ang cable ay kumukuha ng oras ng anak ninyo sa pag-aaral. Kapag wala kayong control, ang anak ninyo ay mas gusto pang manood kaysa mag-aral. Kasi nga maraming choices. Noong panahon namin, naaalala ko pa, iilan lang ang channels at palabas sa TV. Iilan lang ang cartoons, kaya kaunti lang ang oras naming manood. Mas marami kaming oras maglaro sa labas at mag-aral. Ang paborito ko noon ay Kulit Bulilit at Kutitap. Mayroon ding Uncle Bob’s Lucky Seven Club at Sesame Street. Sino sa inyo ang nakakaalala ng hitsura ng TV noon? Ang TV namin noon ay Hitachi. Tapos, may accordion door at may susi. Paano ito ino-“ON”? Hihilahin n’yo ang knob, then unti-unting lalabas ang picture (kasi nagpapainit pa).
d. Ang Cable ay kumukuha ng oras ninyo sa inyong anak at asawa. Dati-rati, pag-uwi ninyo galing trabaho, ang unang hinahanap ay mga anak o asawa ninyo dahil maglalaro kayo. Ngayon, ang hinahanap n’yo na ay ang remote control ng TV at manonood na kayo ng NBA, PBA at UFC. Halos wala na kayong oras makipagkwentuhan sa asawa o mga anak ninyo.
e. Ang cable ay nakakabawas ng oras sa pagtulog, pagpapahinga at pagdarasal. Kaya maraming empleyado at estudyante ang na le-late sa pagpasok kasi napuyat kapapanood sa cable (kasi nga, maraming choices). Maging sa pagpunta sa simbahan late.
Another thing – Telepono.
Nagri-ring pa ba ang landline ninyo (kung mayroon pa kayo)? Nagbabayad pa rin ba kayo ng mahal sa landline ninyo? Sayang if you are still paying P600 a month. That’s P7,200 a year. Pwede na itong pang hulog sa medical insurance o life insurance. The point is, baka pwedeng mag prepaid na lang kayo. O baka naman mas makakatipid kung ipapaputol na lang ang landline. Tutal naman, halos lahat yata kayo sa bahay may cellphone na.
And speaking of cellphones, magandang pag-usapan natin kung paano tayo makakatipid sa cellphone sa susunod na article!
(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kasusweldo pa lang ubos na?” available in National Bookstore, Powerbooks, Bestsellers, Fullybooked, OMF, PCBS, Praise and other leading bookstores nationwide. Also available in Unleash International Bookstore. For details, please contact 0922-UNLEASH(8653274) or 6640892, 6320148 local 8002-8003.)
Vic Garcia is currently the President and CEO of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance through licensed and originally authored, world-class, high-impact training programs.
Vic has been in the business for more than 20 years and has gained the trust and confidence of countless organizations. He is also the author of the Unleash Workbook and Unleash Learning Systems. His area of competence varies from work and life improvement, financial management, leadership, system, productivity, teambuilding, and other specialized seminars that will unleash the highest potential in people. He served as a consultant and a management coach to a number of CEOs and leaders of different companies. He is often invited to different television and radio programs to share his expertise in unleashing the highest potential in people.
Learn and apply practical ways of effective financial management through easy and doable techniques when you follow this series weekly. Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter, @AvelynnGarcia. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational.