How to Save on Utilities Part 1

Mar 27, 2015 | Uncategorized

Article 16_How to save on utilitiesBy Vic and Avelynn Garcia

Kapag nakatanggap ka ng billing statements, ano ang pinakaimportanteng impormasyon na dapat ninyong tingnan? Amount? Consumptions? Due date? Hindi! Ang pinakaimportanteng bagay na dapat n’yong tingnan ay pangalan at address, baka hindi naman sa inyo ang bill. Baka naman iyan ay sa kapitbahay ninyo, lalung-lalo na kung kayo ay nakatira sa hile-hilerang apartment or townhouses. Madalas, nakapangalan iyan sa may-ari ng apartment at nagkakaiba lang kayo sa letra ng address.

Kaya ang payo namin – Stare at your bills every month. This is tip no. 1. Ito rin ang isa sa pinakaimportante nating dapat gawin on how to save on your utilities.

Para mas makasiguro, lalo na sa kuryente at tubig, patayin ang main switch at pumunta sa meter center kung saan nakalagay ang mga metro.  Tingnan ang meter number sa inyong bill. Kapag ang metro ninyo ay umiikot pa rin kahit hindi ginagamit, malamang mali ang tinitingnan ninyong metro o kaya naman ay may problema ang linya n’yo. It’s time for you to get the services of a qualified electrician or tubero.  Kasi bawat kuryente o tubig na nasasayang ay binabayaran ninyo.  Ikumpara rin ang konsumo ninyo last month sa konsumo ninyo ngayon (current charges), para may idea kayo kung bumaba ba o mas lalong tumaas ang konsumo ninyo. You will then realize and analyze kung bakit…

Tip. No. 2 – Refrain from using electrical heating devices. Such as electric iron, rice cooker, coffee maker, microwave ovens, oven toasters and water heaters. Kasi these small appliances consume a lot of energy. Sa madaling salita, malakas sa kuryente.  Kaya kung kaya rin lang namang mabuhay na wala ang mga ito, huwag nang gumamit. Maliban na lang siguro ang plantsa. Wala pa kaming alam na substitute para dito. Pero para mas makatipid sa kuryente, iwasan ang pa isa-isang pagpaplantsa o ‘yung halos araw-araw namamalantsa. Ipunin lahat ng plantsahin. May mga damit na hindi na kailangang plantsahin. Huwag masyadong pigain pagkatapos maglaba para pwede agad suotin pagkatuyo. Kung kaya naman, magplantsa ng isang beses sa isang linggo. Iwasan din ang paggamit ng rice cooker. Mas matipid sa gas stove.

Ang iba naman, nagpakabit pa ng water heater. Additional gastos na naman ‘yan.  Para hindi lamigin sa paliligo, sigaw at takbo lang ang solusyon d’yan. Hindi ba’t ang unang buhos lang naman ang malamig? So, sa unang buhos, umilag ka. Eh di wala na ang lamig. Kung nanghihinayang talaga kayo sa tubig, eh ‘di pagbuhos ay sundan n’yo ng sigaw at takbo. (WHAAAAAHH…) Mawawala rin ‘yun.

Tip no. 3 – Use ESL (Energy Saving Lamps) as much as possible; much better, LED. Bukod sa mas maliwanag, ang mga ito ay mas mababa pa ang konsumo sa kuryente at hindi nakakadagdag ng init sa loob ng bahay. Medyo mahal lang ito sa una, pero in the long run ay mas makakatipid kayo. Under normal use, mas mahaba pa ang buhay nito. Bumili lang ng branded na mga ilaw para may warranty ang mga bulbs. Marami kasi ngayon ang nagbebenta ng mas mura pero ilang buwan lang ay pundido na.

Sa susunod, we discuss additional tips on how to save on utilities.

Kasusweldo-pa-lang-ubos-na_Front-Cover-only-with-Bestseller_forweb1(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kasusweldo pa lang ubos na?” available in National Bookstore, Powerbooks, Bestsellers, Fullybooked, OMF, PCBS, Praise and other leading bookstores nationwide. Also available in Unleash International Bookstore. For details, please contact 0922-UNLEASH(8653274) or 6640892, 6320148 local 8002-8003.)

 

Vic Garcia is currently the President and CEO of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance through licensed and originally authored, world-class, high-impact training programs.
Vic has been in the business for more than 20 years and has gained the trust and confidence of countless organizations. He is also the author of the Unleash Workbook and Unleash Learning Systems. His area of competence varies from work and life improvement, financial management, leadership, system, productivity, teambuilding, and other specialized seminars that will unleash the highest potential in people. He served as a consultant and a management coach to a number of CEOs and leaders of different companies. He is often invited to different television and radio programs to share his expertise in unleashing the highest potential in people.
Learn and apply practical ways of effective financial management through easy and doable techniques when you follow this series weekly. Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter, @AvelynnGarcia. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on

Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational.

Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

This Too Shall Pass

This Too Shall Pass

"This too shall pass" is a powerful reminder of life’s ebb and flow. When things are tough, remember that no...

A Testament to God’s Plans

A Testament to God’s Plans

Scotland of the 1840’s was as barren as the nursery rhyme cupboard of Old Mother Hubbard. The decade was...



Share This

Share This

Share this post with your friends!