How Can I Move On if My Spouse Broke My Heart?

Sep 17, 2015 | Uncategorized

forgive your spouseBy Chinkee Tan

May nasabi ba ang asawa mo na nakasakit sa iyo? May nagawa ba ang asawa mo na ikinadurog ng puso mo? Hindi mo ba alam kung paano ka magmo-move on mula sa sakit na naramdaman mo dahil sa nasabi o nagawa ng asawa mo?

Ang mag-move on nga sa broken heart dahil sa boyfriend o girlfriend ay mahirap, paano pa kaya kung brokenhearted ka dahil sa iyong asawa?

Maraming bagay ang pwedeng maging source kung bakit ka nakaka-experience ng heartbreak pag dating sa usaping marriage.

Maaaring may another woman or man ang asawa mo, or nadiskubre mo na meron pala siyang anak na hindi ikaw ang ama or ina. Pwede din naman na lagi ka niyang pinagsasalitaan ng masasakit na bagay, or andyan yung hindi niya pagkakaroon ng oras para sayo.

Sa mga pagkakataong iyon ay nais mo ng sumuko. Naiisip mo na pagod na pagod ka na sa pakikisama sa iyong asawa. Na puro ikaw na lang ang gumagawa ng effort upang maayos ang marriage niyo.

You are emotionally drained. You are emotionally sick. So ano ang dalawang bagay na pwede mong gawin to help you move on?

First, FORGIVE YOUR SPOUSE

Patawarin mo ang asawa mo sa kung ano man ang nasabi o hindi niya nasabi, sa mga nagawa o hindi niya nagawa.

Ang pagpapatawad ay hindi katumbas ng pagkalimot sa kung anong naging cause ng pain na naramdaman mo. Ang pagpapatawad ay ang pag-lift ng judgement mo dun sa asawa mo kahit ano pa ang kanyang naging pagkukulang sayo.

Forgiving your spouse also doesn’t mean that you tolerate the bad things that he or she did. Forgiving your spouse means na kahit may pagkakakamali siya, you are willing to work with him or her para sa ikabubuti ng inyong marriage.

Kung hindi mo magawang patawarin ang asawa mo ay patuloy ka lang na kakainin ng bitterness na nararamdaman mo na eventually ay tuluyang sisira sa inyong pagsasama.

Second, FORGIVE YOURSELF

May mga guilt feelings ka bang nararamdaman? Feeling mo ay ikaw ang may kasalanan kung bakit ka nasakatan ng iyong asawa? It’s time to forgive yourself.

Get rid of the negative thoughts na hina-harbor mo sa puso’t isip mo kung bakit ka nagawang saktan ng asawa mo.

Don’t be hard on yourself. Katulad ng asawa mo, tao ka lang, nagkakamali.

If you believe na may naging parte ka sa kung bakit ka nasaktan ng asawa mo, accept that you made a mistake. Acknowledge that you are responsible. But after that, move on by forgiving yourself.

Hindi madali ang magpatawad, sa asawa mo man o sa sarili mo. Kaya you need the grace of God para bigyan ka Niya ng capability to forgive your spouse and yourself. Come before Him and ask that He help you sa journey to forgiveness.
THINK. REFLECT. APPLY. Have you forgiven your spouse? Have you forgiven yourself? Have you asked God for His grace so that you can do both?

Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

What We Tolerate, Perpetuate

What We Tolerate, Perpetuate

The recent portrayal of the Last Supper with drag queens at the Paris Olympics highlights a broader cultural...



Share This

Share This

Share this post with your friends!