Lahat naman tayo ay may pagkukulang at may nakasanayan nang mga ugali.
Ito ay ating nakagawian at itinuro sa ating mga magulang at nakatatanda noong tayo ay mga bata pa. Ang pagiging masipag, masinop, matalino, pagiging praktikal, ma-disiplina at maraming pang iba.
May mga iba naman ay tamad, magastos, late na gumising, kulang sa disiplina at maraming pang iba.
Ang isang ugali na hindi ko makalimutan na ipinamana sa aking ng aking magulang ay RESPETO SA KAPWA.
Ang isang ugali na hindi ko pa rin maintindihan ngayon sa panahon ng teknolohiya ay PAGKAKAROON NG CELL PHONE pero HINDI MARUNONG SUMAGOT tuwing ikaw ay tatawag at hindi NAGTE-TEXT BACK.
Hndi ko alam bakit may mga taong ganyan. No offense meant! Nag-cell phone ka pa!
Alam mo ba na ang hindi pag return call at pag sagot ng text ay…
LOST OPPORTUNITY
Malaking pagkakataon ang maaring mawala sa iyo. Lalo na kung ikaw ay nasa larangan ng sales. Paano kung tumwag yung client mo at may urgent need. Kung hindi mo sinagot, ano ang kanilang gagawin? Maghihintay sa iyo? No way! O-order na iyon sa iba. Ikaw din ang mawawalan!
Hindi ka aasenso at yayaman, kasi ang parating sagot ng cell phone mo after many rings is, “THE CELL PHONE YOU DIALED CAN NEVER BE RICH.”
LOSE CREDIBILITY
Mawawalan ng tiwala ang mga tao sa iyo. Since hindi ka maasahan, maghahanap ang mga taong pwedeng pagkatiwalaan. Mahirap kasama at katrabaho ang isang tao na hindi pwede asahan at pagkatiwalaan.
LOST RESPECT
Some people do not realize na hindi ka rerespetuhin at seseryosohin ng tao. Kahit anong sabhin mo ay hindi bibigyan ng halaga dahil hindi mo nirerespeto ang ibang tao. Ganoon din ang magiging turing sa iyo.
Hanggang ngayon marami pa rin ugaling kailangan kong ayusin. Dahil lahat naman tayo ay may room for improvement.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang hindi magagandang ugali ang nakikita mo sa sarili mo na kailangan natin baguhin?
- Ano ang isang ugali na ayaw na ayaw mo sa tao?
Share naman please and post your comments sa https://www.facebook.com/chinkeetan
#masamangugali #walangload #respect
PS. Don’t forget to register for my upcoming #KACHINK Conference on June 20, 2015.
If you want to learn HOW TO RETIRE BEFORE 50. For more info watch this video http://bit.ly/1915y6s
HELP JACOB’S FOUNTAIN KEEP THE ARTICLES FLOWING. This website is not sponsored in any way by any organization. If God is leading you to send some help, you can do so via credit card or Paypal using the DONATE button below