Bakit Burara ang Asawa Ko?

Aug 11, 2015 | Uncategorized

chaos-227971_1280By Chinkee Tan

Makalat ba si misis? Kung saan-saan ba nilalagay ni mister ang kanyang medyas na ginamit? Di ba kayo nagkakasundo ng asawa mo dahil ikaw ay malinis sa gamit at siya naman ay hindi?

Masarap sa pakiramdam pag ikaw ay umuuwi sa bahay na malinis. Masarap mag-relax, mag-chill, magde-stress kung malinis ang paligid mo. Pero paano kung hindi iyon ang sitwasyon?  Lalo na kung ang asawa mo ang cause kung bakit madumi o makalat ang bahay?  Ano ang pwede mong gawin?

ACCEPT DIFFERENCES

Aminin man natin o hindi, kung meron kang nakikitang hindi magagandang habit sa ating asawa, meron din tayong bad habit. We just need to understand and accept that God created us differently.

Oo nga’t pare-pareho tayong tao na nilalang ng Diyos, pero hindi ibig sabihin nun ay pare-pareho na ang pag-uugali natin at gusto sa buhay.

Kung di ka komportable sa inyong pagkakaiba, ang tanong, magpapaapekto ka ba? Aawayin mo ba siya palagi dahil sa mga kalat niya? Bubungangaan mo siya?

I don’t think so.

What you can initially do is to accept your spouse’s differences.

Tanggapin mo na hindi siya katulad mo sa maraming bagay at nagkataon na isa sa mga bagay na yun ay ang difference ninyo sa pagiging OC (obesessive compulsive).

Once you’ve accepted it, magiging magaan ang pakiramdam mo. Wag ka kasing magpapa-stress sa mga bagay na out of your control. Let us major on the major not on the minor.

DO WHAT YOU CAN DO

Other than nagging, do what you can do. Sikapin natin gawin ang ating abot makakaya.

I really love my wife, kasi kahit di ko nailagay yung maduming damit ko sa hamper, rather than complaining, she is thanking God na may napupulot pa siyang damit dahil buhay na buhay ako. Kesa sa na-stress siya sa kaka-sermon sa akin. At nang dahil diyan, dahan-dahan din ako tinamaan ng hiya at ako ay unting-unti nagbago.

Paano na Chinkee kung ako na lang lagi ang gumagawa ng paraan at hindi siya nagkukusa!

Kung masyado ka na talagang nabibigatan sa sitwasyon mo, then . . .

ASK FOR HELP

Humingi ka ng tulong sa asawa mo. Sometimes we never receive because we never ask. Hindi ko sinabing mag-demand ka sa asawa mo ha. There’s a huge difference between “demanding” and “asking”. Iba kasi ang result when you demand. And most often than not ay di masyadong positive ang response ng asawa mo pag wagas ka kung makapag utos. Kaya wag mo namang utusan ng utusan ang asawa mo. Instead, ask for his help.

Doon magaling ang misis ko, marunong siyang dumiskarte, lumambing at makiusap na ako na ang mahihiya kung hindi ko siya pagbigyan.

Wala ka ng time para malabhan ang kailangan mong damit para bukas? Sabihin mo ng maayos kay misis na kailangan mo ng tulong niya.

“Mahal, pwede bang lumambing, medyo nananakit na ang likod ko at di ko na kayang magpiga ng mga nilabhan, baka pwede naman ako magpatulong, please?” (sabay wink) Sabihin mo ng maayos kay mister na kailangan mo ng tulong niya.

Ang asawa mo ay nandyan para tulungan ka. May mga times nga lang siguro na hindi niya alam kung paano ka tutulungan kaya naghihintay lang sila na manggagaling sa’yo ang paghingi ng tulong. Huwag mong asahan na magiging sensitive kaming mga lalaki at kami ay magkukusa. Sa sobra daming iniisip minsan hindi na namin napapansin kung ano ang nangyayari sa aming paligid. At mga misis, huwag din kayo magpaparamdam sa pamamagitan ng pagdadabog, hindi ninyo makukuha ang attention ng inyong mga mister kung hindi lalo lang yan maiinis.

happy spouse - happy houseSometimes all you need to do is to just ask.

Somehow kung ang pagiging maayos sa iyo ay importante. Pero tandaan mo na mas importante ang samahan niyo ng asawa mo. Wag mong hayaan na ang mga kalat sa bahay niyo ang dahilan na madumihan ang inyong samahan.

THINK. REFLECT. APPLY.
Do you realize that you and your spouse are different from each other?
Do you kindly ask for your spouse’s help when you need it?
Do you value your marriage more than you value a clean house?

IF YOU WANT TO ORDER OUR LATEST BOOK ‪#‎happywifehappylife‬ please visit http://bit.ly/1EZdRds
Shipping is for FREE nationwide.

‪#‎hwhl‬ ‪#‎happywife‬ ‪#‎happylife‬ ‪#‎chinkeetan‬ ‪#‎chinkpositive‬

REPOSTED WITH PERMISSION FROM CHINKEE TAN

Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

This Too Shall Pass

This Too Shall Pass

"This too shall pass" is a powerful reminder of life’s ebb and flow. When things are tough, remember that no...

A Testament to God’s Plans

A Testament to God’s Plans

Scotland of the 1840’s was as barren as the nursery rhyme cupboard of Old Mother Hubbard. The decade was...



Share This

Share This

Share this post with your friends!