Ang salitang “bansa” o sa salitang Ingles na “state” ay mahalaga nating maintindihan sa mga panahoong itong ang usapin sa pagkakaroon ng isang “Bangsamoro” ay napakainit. Mahalaga na maintindihan natin kung ano nga ba ang tinutukoy ng mga mambabatas sa tuwing sinasabi nila na ang BBL ay hindi dapat gumawa ng separate na “state” within a state or ang tinatawag na sub-state, o sa ibang salita ay hindi dapat gumawa ng isang bansa na nakapaloob sa ating bansa.
Ayon sa prinsipyo ng batas, mayroong apat (4) na sangkap ang Bansa. Una ay Teritortyo (Territory), pangalawa ay MGA TAO (Populalation), pangatlo ay Organisadong Gobyerno (Government), at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang LUBOS NA KAPANGYARIHAN (Sovereignty). Sa apat na sangkap na ito ng isang bansa ay mapapansin na 3 rito ay mayroon na ang bangsamoro sa pamamagitan ng BBL. Ito ay ang Teritoryo, Mga Tao at organisadong Gobyerno. Ang kulang ay ang pangapat na sangkap, ang SOVEREIGNITY O Lubos na Kapangyarihan dahil ito pa din ay pumapasailalim ng isang bansa na siya ang tunay na may lubos na kapangyarihan.
Ang BBL ay tinataya ng mga sumulat at nagtutulak nito na naaayon daw sa probisyon ng ating Konstitusyon on LOCAL AUTONOMY at probisyon na nagsasaad ng paggawa nang isang AUTONOMOUS REGION of Muslim Mindanao. Subalit ang mga kritiko ng BBL ay nagsasabi na ang batas na ito ay labag sa Konstitusyon dahil ang ibang mga bahagi ng BBL ay nagpapahintulot sa BANGSAMORO ng mga kapangyarihang pwede lamang sa isang independent na bansang may sariling Lubos na Kapangyarihan/Sovereignty sa kanyang sarili.
Ang pagtatalo-talo ng magkabilang kampo ay maaring magtatapos lamang sa panahon na ang Kataas-taasang Hukuman na ang humatol at mag-interpreta kung ito nga ba ay konstitusyonal at kung ang BANGSAMORO nga ba ay binibigya ng Sovereignity o Lubos na Kapangyarihang dapat lang sa isang tunay na bansa at hindi sa isang rehiyon.
Subalit may mas malalim na isyu na kung bakit nais ng mga kapatid nating Muslim magkaroon ng sariling BANGSAMORO. Ito ay hindi lamang usaping politikal o ekonomiya ngunit isang usaping pananampalataya. Dahil ang nais nga nila ay maipatupad ang batas ng kanilang diyos sa ilalim ng isang gobyernong tumatalima sa kanilang pananampalataya. Ito ay usaping Sovereignity para sa kanila ngunit hindi ng isang hiwalay na bansa, subalit ang mahalaga ay ang Sovereignity o Lubos na kapangyarihan ng Kanilang Diyos sa kanilang TERITORYO, TAO at GOBYERNO.
Tayong mga Kristyano ay di rin naman kaiba sa kanila sa pananampalatayang ang ating Diyos na Panginoong Hesus ang siyang dapat mag-HARI sa ating buong bansa. Dahil ang ating Diyos ay hindi lamang limitado sa relihiyon subalit siya ay isang Hari, at bilang isang Hari, Sya ay mayroong kinasasakupang Teritoryo, Tao at Gobyerno. Ang lahat ng kanyang nilikha ay ang kanyang teritoryo, tayong lahat ang mga tao at ang lahat ng ating mga institusyon ay dapat sumailalim sa kapangyarihan ng Kanyang salita.
Subalit, bilang mga Tagasunod ni Haring Kristo ang kanyang naisin ay hindi Siya lamang maging hari ng bansa ngunit higit sa lahat maging Sovereign o Lubos na makapangyarihan siya sa ating mga puso at buhay. Ang kanyang Lubos na Kapangyarihan ay natatapatan lamang ng Kanyang lubos na pagibig at kabutihan sa lahat ng nagsusuko nang kanilang buhay sa Kaniya.
Ito marahil ang tunay na Sovereignity o Lubos na Kapangyarihan na dapat nating maibigay sa ating mga kapatid sa Bangsamoro. Ang Lubos na Pagibig at Kapangyarihan ni Haring Kristo Hesus.