Ang pag tatayo ng bansang Tsina ng mga istraktura at pagpapatuloy nang mga “reclamation” activities sa mga pinagtatalunanng mga lugar sa West Philippine Sea ay isang matinding hamon na kinahaharap nating mga Pilipino. Ngunit mayroon nga ba silang karapatan para gawin ang mga bagay na ito o ito ba ay sadyang iligal dahil ang Pilipinas ang siyang tunay na may karapatan sa mga lugar na pinag aagawan na ito?
Bagamat madaming angulo sa usaping ito, mayroong dalawang aspeto na napakahalaga sa pagsusuri ng karapatan nang Pilipinas at ng bansang Tsina sa West Philippine Sea. Ito ay ang aspeto ng kasaysayan at ang aspeto ng batas.
Tingnan natin sa aspeto nang kasaysayan. Ang deklarasyon nang bansang Tsina ay sila talaga ang tunay na may ari nang karagatan na pinagtatalunan dahil daw sa mahabang panahon na kanilang paggamit nito sa kanilanng mga pakikipagkalakalan sa mga iba’t ibang dako at bansa nang rehiyon. Subalit ang argumentong ito ay madaling lang na napasubalian nang mga eksperto sa kasaysayan nang mundo. Dahil ayon sa mga eksperto ang bansang Tsina ay hindi kailanman nakilalang “Maritime Power” o kaya naman ay eksperto sa paglalayag. Ang mga Tsino ay mas kilalang bansa na nakasalalay sa agrikultura ang kinabubuhay. Kung susuriin ay makikita na ang kanilang lupain ay buo at sa kalakihan nito ay matatayang isang “integral unit” na di pinaghihiwalay ng mga katubigan. Ito ay hindi katulad ng Pilipinas at ng ibang bansang archipelago na naka depende sa paglalayag sa tubig ang kanilang buhay. Sa katunayan, napatunayan ng mga historians na ang West Philippine Sea ay sinimulang gamitin at tahakin ng mga taong tinatawag na “Austranesians”, at ito ay nangyari noong unang panahon na wala pang ni hari at gobyerno ang bansang Tsina. Ayon sa kanila, ang mga “Austranesian” ay ang mga hari ng paglalayag sa mga karagatan at dahil dito sila ay kumalat sa iba’t ibang dako ng mundo, lalo na ng ating rehiyon timog silangang Asya. Tanggap na ng mga eksperto na sila ang mga sinauna nating mga katutubo ng Pilipinas, Malaysia, Borneo at Indonesia. Higit pa rito, napatunayan na ang Pilipinas ay mayroong mas naunang mapa, ang Murillo-Velarde Map, na inilabas noong taong 1734 na kasama ang Scarborough Shoal sa teritoryo ng pilipinas na pinangalanang “Panacot.” Ito ay mahalaga dahil sinasabi ng Tsina na sila ang unang umako ng mga lugar na ito na mapapatunayan sa kanilang mga naunang mapa noong 1947. Subalit sa paglabas ng ating 1734 Murillo-Velarde Map mapapatunayan na 200 taon na nauna ang Pilipinas kaysa sa mapa nang Tsina noong 1947.
Sa aspeto naman nang batas, ay malinaw na wala ding legal na basehan ang kanilang pagkamkam ng kabuuan nang West Philippine Sea. Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS), na kapwang pinirmahan ng Pilipinas at Tsina, pinagkasunduan na ang isang bansa ay may karapatan sa karagatan na pumapaloob sa 200 Nautical Miles mula sa teritoryo nang isang bansa. Subalit sa kabila nang kasunduang ito makikitang ang mga inaangking karagatan ay may layong halos 1000 Nautical Miles mula sa pinakamalapit na isla nang Tsina na Hainan Island. Ngunit sa kabilang dako naman ay ang Scarboroagh Shoal at Spratly Islands ay higit na malapit sa Pilipinas at pumapaloob sa 200 Nautical Miles mula sa teritoryo natin. Kung kaya malinaw na kung pagbabatayan lamang ang batas ay Pilipinas talaga ang siyang may karapatan.
Mainam nga sana kung kasyaysayan at batas ang nagiging batayan sa pag resulba ng isyu sa West Philippine Sea dahil tiyak na Pilipinas ang malinaw na may karapatan dito. Subalit bagamat ang kasaysayan at batas ay nasa ating panig, ang lakas militar at yamang ekonomiya ang siya nang ginagamit nang bansang Tsina para kubkobin ang napakayamang karagatan na ito. Di mahirap intindihin kung bakit di sila pumapayag magpasailalim sa legal na proseso nang International Arbitration dahil siguradong ang Pilipinas ang lyamado sa “forum” na ito na kung saan batas at tunay na kasaysayan ang tinitingnan. Ang kanilang pamamaraan ay ang paggamit nang lakas at yaman na nakikita sa kanilang patuloy na pag “reclaim” at pag kamkam na sapilitan nang mga lugar na atin naman sa West Philippine Sea.
Ang katanungan natin ay “ano nga ba ang ating pinaka mabisa na panlaban?” Bukod sa ating malinaw na karapatan, di tayo dapat umasa sa mga ibang bansa o sa ano mang lakas military natin o nang ibang bayan. Hindi man natin kasing lakas ang Tsina sa sa military power o sa dami nang kayamanan, tayong mga Pilipino ay may pananampalataya sa buhay na Diyos na nagmamay ari nang langit at nang lupa. Dapat nga ay magpursigi tayo sa ating pagtawag sa nagiisang dakilang tagapagtanggol at tunay nating tagapag tanggol na si Kristo Hesus ang ating panginoon at hari nang lahat. Maliit man tayo ikumpara sa Tsina, subalit alam nating hindi tayo pababayaan ng Panginoon kung tayo ay magtitiwala nang buo sa kanya.