7 Strategies of Children to Outwit Their Parents

Jul 8, 2015 | Uncategorized

By Avelynn Garcia3Unleash Child_Kids strategies

In my previous article, I discussed that “Ang magulang dapat ang Pinaka-MATALINO sa pamilya”. Ang problema, kung minsan, mas matalino pa ang anak kaysa sa magulang. Para maging matalino, kailangang pag-aralan natin ang ating mga anak. Pag-usapan natin ito…

Alam n’yo ba na kapag may gusto ang ating mga anak, hahanap at hahanap sila ng paraan para lang makuha ang gusto nila? Alam n’yo rin ba na pinag-aaralan tayo ng ating mga anak at inaalam nila ang ating mga kahinaan?  Kasi, sila ay matalino! Ang problema, maraming magulang ang BoTay (Bobong Tatay) at BoNay (Bobong Nanay)…  At para hindi na mangyari ang hindi dapat mangyari, ang mga magulang ay dapat MaTay at MaNay, Matalinong Tatay at Matalinong Nanay.

Siguro ang tanong ninyo, “Paano ba maging matalino?” Para maging MaTay at MaNay, dapat pinag-aaralan n’yo ang mga strategies ng anak ninyo. Sa talino ng ating mga anak, marami silang strategies na ginagamit para makuha sa atin ang gusto nila. Ang mga strategies na ito ay natutunan nila throughout the years sa kanilang mga kaibigan, barkada at higit sa lahat sa kanilang mga magulang. Ang iba naman ay sa kapapanood ng TV, habang ang ilan ay sa pag-aaral sa ating mga kahinaan or weaknesses.  Tama! Pinag-aaralan tayo ng ating mga anak.

Alam n’yo bang ikinukwento tayo ng ating mga anak sa kanilang mga kaibigan? Sa kanilang pagkukwentuhan, nalalaman nila ang mga strategies ng kanilang kaibigan na naging effective para makuha nila ang kanilang gusto sa kanilang mga magulang. Subukan nating alamin ang ilan sa kanilang mga strategies…

Child’s Strategy No. 1

Balikan natin ang anak ninyong nagpapabili sa mall at ang sabi ninyo ay wala kayong budget. Sasabihin ng anak n’yo, “Daddy/Mommy, bili mo naman ako nito please…” Ang tawag namin dito ay Child’s Strategy number 1: Pa-cute. ‘Pag ‘di ka niya nakuha sa strategy number 1, may strategy number 2.

Child’s Strategy No. 2

Sasabihin ng anak ninyo, “Daddy/Mommy, ‘di ba love mo naman ako?” Yayakapin kayo nang pagkahigpit-higpit at ‘di titigil sa kakahalik hanggat ‘di ninyo binibili. Ang tawag dito ay Child’s Strategy no. 2: Pa-Lambing.

May nakita na ba kayong batang ganyan? Ang problema, may ibang magulang na kapag nayakap na, ‘pag nalambing na, bumibigay na. At ‘pag binilhan na ang anak, ano kaya ang tingin ng anak ninyo sa inyo? Sinungaling! Bakit? Ang sabi ninyo kanina walang budget, walang pera. Eh ‘bat nagkapera ‘nung mayakap? So, ngayon kilala na kayo ng anak ninyo—mahilig kayo sa halik at yakap.

Child’s Strategy no. 3

Pero may ibang mga magulang na matatag pa rin. Kahit nilambing na ng anak, hindi pa rin bibili. Sasabihin sa anak, “Anak, wala talaga tayong budget para d’yan. At kahit ilang kiss, kahit ilang yakap, kahit ano’ng gawin mo, hindi kita ibibili.” Sabi ng anak mo, “Hmmm, hindi makuha sa strategy no. 2 ha, gagamitin ko ang Child’s Strategy number 3: Tampo.” Nakakita na ba kayo ng batang nagtatampo sa mall? ‘Yung batang nakayuko habang naglalakad, pagkahaba-haba ng nguso at masamang-masama ang loob. Ano’ng nararamdaman ninyo ‘pag nagtatampo na ang anak ninyo? Naaawa? ‘Pag naawa na kayo, ano ang gagawin ninyo? Ibibili n’yo na? Patay! Ngayon, alam na ng anak ninyo na maawain kayo. So, next time magkaproblema, ‘di na s’ya dadaan sa strategy no. 1 or no. 2. Diretso na siya sa tampo, kasi alam niya it works.

Child’s Strategy no. 4

Pero may ibang magulang, matatag pa rin kahit nagtatampo na ang anak.  Hindi pa bumibigay. Ang sasabihin ng anak ninyo, “Hindi pa rin makuha si Daddy/Mommy sa strategy no. 3, kailangan ko nang gamitin ang Child’s Strategy no. 4: Iyak.” Okay, pag umiiyak na ang anak ninyo sa mall, ano ang gagawin n’yo? Bibigay na ba kayo o hindi pa rin? Ang masakit, maraming magulang ang nakukuha sa iyak. Patay na naman kayo. So, alam na ng anak ninyo na takot kayo sa iyak. Sa susunod na may gusto siya, iiyakan lang kayo at alam na ng anak ninyo na bibigay na kayo.

Child’s Strategy no. 5

Pero may mga magulang, matatag pa rin. Hindi pa rin bumibigay kahit umiiyak na ang anak. Ano ang susunod na strategy ng anak ninyo? Child’s Strategy no. 5: Lupasay. Magwawala na ‘yan. Nakakita na ba kayo ng batang naglalampaso ng sahig sa mall? Iyak! Iyak! Iyak nang iyak na may kasama pang lupasay. Ano ang gagawin n’yo pag naglulupasay na ang anak ninyo? Iuuwi? Tatakutin? Papaluin? Sino sa inyo ang namalo na sa mall? Hindi kayo namamalo? Ito ang karaniwang style normally. Titingin kayo sa mga tao at sasabihin n’yo, “Tumigil ka na d’yan ha. Tumigil ka na!” (May kasama pang kurot, pero nakangiti kayo habang ginagawa ito). Ayaw ninyo kasing ipakita sa madlang people ang ginagawa ninyo. O, ano na ang gagawin n’yo ‘pag nagwawala na ang anak ninyo? Iuuwi? Paano n’yo iuuwi, eh nagwawala? Ang hirap iuwi n’yan, lalo kung malaki-laki na. Ang hirap damputin n’yan.

Ano ang gagawin n’yo? Iiwan? ‘Yan na naman. Kaya n’yo bang iwan sa mall ang anak ninyo? Nagsisinungaling na naman kayo. Ang sasabihin n’yo, “Iiwanan kita. Iiwanan kita.” Hindi naman kayo makalayo, paano n’yo iiwan? Alam din naman ng anak ninyo na hindi n’yo siya kayang iwanan. Maraming magulang kapag naglulupasay na ang bata, bibigay na at ibibili na. Ano ang natutunan ng anak sa ganitong pagkakataon? Si Daddy/Mommy ay takot sa lupasay. Nakakita na ba kayo ng batang ‘pag hindi nakuha ang gusto ay bigla na lang maglulupasay at magwawala? Maraming bata ang ganito, dahil alam nilang epektibo ang strategy na ito at dahil maraming magulang ang takot sa lupasay.

Child’s Strategy No. 6

At this point maraming magulang ang bumibigay na, pero mayroon pa rin ilang mga magulang ang tunay na matatag. Ano ang iisipin ng anak ninyo? – “Aba, ang tindi ni Daddy/Mommy, hindi pa rin bumibigay. Kailangan ko nang gamitin ang Child’s Strategy no. 6: Ubo.” Kapag inuubo na ang anak ninyo habang umiiyak, ano na ang gagawin n’yo? Maraming magulang takot sa ubo dahil ayaw nilang magkasakit ang kanilang anak. Kaya para tumigil at huwag nang ubuhin ang anak, ibibili na kung ano ang gusto ng anak. Ang problema kung minsan, natututong umarte ng ubo ang anak n’yo para lang makuha ang gusto nila.

Child’s Strategy No. 7

May iba namang magulang, habang nag-uuubo na ang anak, hindi pa rin bumibigay. May pwede pa bang gawin ang anak ninyo? At this time, gagamitin na ng mga bata ang Child’s Strategy No. 7: Suka. Whaaah! Whaah! Kapag nagsusuka na ang anak n’yo habang umuubo, ano na ang gagawin ninyo? Haay, hay, hay! By this time, bihirang magulang na ang hindi bumibigay. Ang tanong, sino ang nasusunod? Sino ang nanalo? Sino ang naisahan? At higit sa lahat, ano’ng klaseng bata o anak ang inyong pinapalaki?

Next week, we will talk about what parents need to do in order to deal, manage and respond to the strategies children use to outwit parents.

(Excerpted from Vic & Avelynn Garcia’s book – Unleash the Highest Potential of Your Child, a sequel to the book entitled Unleash Your Highest Potential. )

Avelynn Regalado-Garcia is currently the Executive Vice President of Unleash International Corporation, a high-tech, high-touch, high-impact training company whose main mission is to unleash the highest potential in people towards success, happiness, and significance. For more than 20 years now, she passionately conducts seminars, workshops, conference, and conventions for top local and multinational companies, schools, and organizations in the country and abroad.
Follow Vic & Avelynn Garcia on Twitter @AvelynnGarcia. Also visit www.unleashinternational.com and Unleash International on

Faceboook, www.facebook.com/unleashinternational.

.

Help us REFRESH others with the life-giving Word of God today!


You may also like…

God’s Glory in Our Temple

God’s Glory in Our Temple

In Psalm 91:11, we have a beautiful image of the Lord’s love and protection: He shall give His angels charge...



Share This

Share This

Share this post with your friends!