Masyadong busy sa opisina at madalas panay overtime pa…Hindi ka nakakasama sa mga bakasyon at getaway ng barkada o pamilya dahil marami kang deadlines…Gumigising ka ng madaling-araw araw-araw at nakikipagsapalaran sa traffic para makapasok sa trabaho…
Lahat ng iyan ay ginagawa ng isang empleyado para kumita ng pera. Ngunit pagdating ng payday parang bula, bigla nalang naglalaho ang sinahod. Madalas kinakapos pa; walang ipon o investment man lang at ang masaklap pa dito ay lubog pa sa utang.
If I just described your situation, ang tanong…
Paano mo mababaligtad ang scenario?
How can you make money work for you, instead of you working for money?
I have only three points to share and I hope makakatulong ito para magbago ang takbo ng buhay mo.
SAVE EARLY
Kung bata-bata ka pa, advantage mo ang edad mo. Hindi totoo na para lamang sa mga nagtatrabaho o sa mga matatanda ang pag-iipon. Kahit estudyante ka pa lang pwedeng-pwede mo nang simulan ang pag-ipon. Mas maaga, mas maganda. Mas maaga, mas malaki ang maiipon mo.
Ngayon kung may edad ka na at feeling mo too late na para sa’yo ang mag-ipon, nagkakamali ka. You can still save and make money work for you. Start now.
SAVE CONSISTENTLY
Kung gaano kahalaga ang mag-ipon ng maaga, napakahalaga din na consistent ka sa pag-iipon mo. Maaga ka ngang magsimulang mag-ipon pero after one year huminto ka narin, balewala din. Make it a habit to save. Isama mo ito sa budget plan mo at hindi yung kung magkano lang maisipan mo o kung ano lang matira sa pera mo. Hindi kailangang malaking amount or bultuhan, dibale nang hindi kalakihan basta tuloy-tuloy.
SAVE RATHER THAN SPEND
I’m not saying na huwag kang gagastos at huwag mong i-enjoy ang pinagpaguran mo. My point here is don’t spend beyond your means. Live a good life, but don’t live beyond your means. Iwasan ang utang of any kind. Develop a money-conscious habit. Hindi yung hindi ka mapakali kapag may hawak kang pera at gusto mo ito gastusin agad. Isipin mong mabuti bago ka bumili ng isang bagay. Be wise, be smart, be strategic and be disciplined when handling your finances. It can really do wonders sa financial life mo!
Tandaan, it’s never too late to start. Hangga’t may buhay, may pag-asa.
THINK. REFLECT. APPLY
Do you want to make money work for you?
What have you done to achieve this goal?
What hinders you from saving early and saving consistently?
#chinkeetan #save #invest #chinkpositive #topmotivationalspeaker