I have not met anyone who does not want to prosper. Lahat tayo gusto nating umasenso, whether sa ating mga relationships, sa ating physical well-being, as in we are living a healthy life, or most importantly sa maraming tao, financial prosperity. For many of us, to achieve our hopes and dreams we need financial prosperity, and it’s normal to think that way.
Minsan lang talaga, parang out of reach ang prosperity para sa marami sa atin. Mataas ang presyo ng bilihin pero hindi naman mataas ang sweldo or kita mo. Matagal ang promotion or hindi mabenta ang produkto mo. Does God favor a few to prosper?
The Bible has a not-so-secret passage that indicates how or who God blesses. It is found in Psalm 1:1-3. Nag-umpisa ang verse sa mga words na ito: “Blessed is the one…” or sabi sa Pinoy Version, “Bine-bless ang taong…” Ang passage na ito gives us three points na HINDI natin dapat gawin para umasenso tayo:
1. Do not walk in step with the wicked
Ang wicked or masasamang tao sa bahaging ito ng verse 1 ay iyong mga taong walang Diyos. The Bible tells us to not to listen to their counsel or mga advice. Hindi sila naniniwala sa Diyos kaya hindi sila umaasa na sila ay ibe-bless ni God. It will not be hard for them to cheat or take advantage of people dahil hindi naman sila naniniwala sa eternal consequence ng kanila mga ways. In simple words, God will not bless them.
2. Do not stand in the way that sinners take
Sinners or makasalanan. The Pinoy Version of the Bibles translate this as “…huwag sumusunod sa example ng makasalanan…” We should not imitate them. The sinner will be dishonest, mainggitin, at hindi nagisiss sa maling gawain. So ang sabi ng Bible, sa daan patungong prosperity, do not stand in the way sinners take. Huwag kang sumunod sa dadaanan nila kahit na mukhang mas mabilis ang pag-asenso sa kanilang mga ginagawa.
3. Do not sit in the company of mockers
Ang tinutukoy ng Psalm 1:1 na mockers, or mapanglait, ay yung mga galit sa Diyos at ayaw sa Kanyang mga utos at gawa. Ito yung mga tao na hindi na nga naniniwala sa Diyos kaya sila ay nagkakasala and then they mock God, His people, and His Word. Hindi sila naniniwala that God can bless him if he will follow His ways that is why they rely on their own intellect at skills. Disregarding God in the process. Huwag daw tayo makisalamuha sa kanila sabi ng Bible.
The Bible has a not-so-secret passage that indicates how or who God blesses. It is found in Psalm 1:1-3.
Pagkatapos ng verse 1 ito ang encouragement ng Bible sa verse 2:
1. Delight in the Law of the Lord.
Delight means masaya sa Filipino. Masaya niyang sinusunod ang mga utos ng Diyos. Kung hindi ka masaya sa pagsunod ng sinasabi ng Bible hindi ka mabe-bless sa mga sinasabi nito.
2. Meditate on it day and night
HIndi lang masayang sinusunod ng taong bine-bless ni God ang mga batas Niya sa Bible, but He also studies it and learn from it. Araw at gabi siyang nagbubukas, nagbabasa, at nagmumuni-muni ng Salita ng Diyos. Ganyan ang mga taong bine-bless ni God
Verse 3 of Psalm 1 shows us the results of following the words of verse 2:
1. Yield its fruit in season
Sa taong sumusunod sa Word of God, ang blessing Niya ay dumadating sa tamang oras. Hindi ito late at madi-discourage ka or maaga at masosorpresa ka. God’s blessings come at the right time. Mapapasigaw ka na lang bigla ng “Praise the Lord!” dahil God came through.
2. Leaves do not wither
The person who delights in the Law of the Lord will also show action or works that prove his love of the Lord. Ito yung leaves na nakikita sa puno ayon sa verse na binabasa natin. Palaging maganda ang dahon at hindi nabubulo na ang ibig sabihin ay maganda ang nakikita ng mga tao sa kanya palagi, walang bulok. Remember that faith without action is dead (James 2:17) so a man who follows the word of the Lord provides evidence of his faith through the works that he does.
3. They prosper
Psalm 1:3 likens this person to a tree planted by streams of water, nakatanim sa tabi ng batis. His roots extend wide and deep. Ang lilim nya ay malago at nagbibigay ng ginhawa sa mga sumisilong. This is the person that the Lord prospers. The key is to follow what is said in Psalm 1:1-2.
**Featured image was generated by Adobe Photoshop’s Generative AI function